Kris sinagot ang hugot ni Lolit Solis kay James: Pag tahimik lang ako walang hahabang issue
SINAGOT ni Kris Aquino ang Instagram post ng entertainment columnist and talent manager na si Lolit Solis tungkol sa ex-husband niyang si James Yap.
Nabanggit kasi ni Manay Lolit sa kanyang Instagram message ang pangalan nina Kris at James pati na ang ex couple na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na hindi rin okay ang relasyon ngayon matapos magkaroon ng issue sa supposedly reunion movie nila.
Nag-post ang dating TV host ng photo ng Megastar at ni Gabby sa IG kasabay ng kanyang hugot na tigilan na ang pag-uugnay sa dalawa lalo na ngayong may kanya-kanya na silang buhay ngayon. Ginamit pa niyang example ang sitwasyon ngayon nina Tetay at James.
“Ewan ko kung bakit big deal pa rin kung magsama o hindi sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. Kung bakit big deal pa rin kung batiin o hindi ni James Yap si Kris Aquino ng Happy Mother’s Day. Hindi ba dapat pag hiwalay na, cut all connections na?
“Hindi ba dapat matanggap natin na ayaw na nila magsalubong pa ang landas? Puwede silang civil sa isa’t isa, puwede din maging friends kung gusto nila pero kung mas gusto nila iyon walang pakialaman bakit natin pipilitin,” post ni Manay Lolit.
Nang mabasa ito ni Kris, agad siyang nagkomento, “Sorry Nay, hindi big deal sa ’kin at all. Now ko lang nabasa ang post mo. Mother’s Day for me will always be foremost about my mom.”
“I never refer to Bimb’s father in my posts because I believe pag tahimik na lang ako, walang hahabang issue. Dumaan ang mga birthday namin & I chose to shut up. Because we do lead very separate lives and siguro kilala mo na ko enough—kung saan mas maha-happy si Bimb—dun ako,” patuloy pa ng Social Media Queen.
Aniya pa, “Si Gerbel & Bincai may magandang H&M na jumpsuit na Mother’s Day gift nila sa kin. I told Bimb, how come sila ni kuya walang surprise? May sense naman ang sagot niya, ‘Mama, what can we give you that you don’t have yet?’”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.