Hugot ni Erap kay Isko: Suportahan natin ang bagong pamunuan | Bandera

Hugot ni Erap kay Isko: Suportahan natin ang bagong pamunuan

Cristy Fermin - May 16, 2019 - 12:20 AM


SA panahon ng kampanya natin naririnig ang masasakit na salitang ibinabato sa isa’t isa ng mga magkakatunggaling pulitiko. Walang habas ang kanilang mga patutsadahan.

Pero sabi nga ay isang araw lang ang eleksiyon, imposibleng dalawa ang manalo, kumbaga sa basketbol ay isa lang ang mag-uuwi ng tagumpay.

Sa lunsod ng Maynila ay itinaas na ang kamay ni Isko Moreno at ng kanyang vice-mayor. Kikilalanin nang bagong mayor ng lunsod ang dating namamatsoy lang ng basura sa Tondo.

Nasa kanyang ikalimang dekada na sa mundo ng pulitika si dating Pangulong-Mayor Erap Estrada, pero sa pagsasara ng libro ng kanyang pagiging lingkod-bayan ay pinabaunan pa ito ng masaklap na pagkatalo ng kanyang dating vice-mayor, pero maganda ang pagharap ng beteranong pulitiko sa hindi nito pagwawagi.

“The voice of the people is the voice of God. Suportahan natin ang bagong pamunuan na hahawak sa ating lunsod,” sinserong sabi ng dating mayor ng Maynila.

At si Mayor Isko Moreno naman ay hindi na rin nagbibitiw nang matutulis na salita ngayon, sa halip ay kipkip niya ang pagpapakumbaba, marami siyang ambisyon para sa ikauunlad ng Maynila.

Isang araw ay magkikita rin sila nang personal, magkakamay at magyayakapan, ‘yun ang patunay na isang araw lang ang pulitika.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending