Ambisyosang female personality plano ring pasukin ang politika, ‘nangangampanya’ na

By Cristy Fermin May 16,2019
share this

Ambisyosang female personality plano ring pasukin ang politika, ‘nangangampanya’ na

By Cristy Fermin May 16,2019
share this

NGAYON pa lang ay nagtatanim na sa kanyang probinsiya ang isang kilalang female personality dahil sa kanyang malaking pangarap na kumandidato sa mga darating na panahon.

May ambisyon ang babaeng personalidad na maglingkod sa kanilang bayan kaya ngayon pa lang ay nagtatanim na siya. Madalas siyang umuuwi para kumustahin ang kanyang mga kababayan dahil meron nga siyang pinupuntiryang posisyon.

Kuwento ng aming source, “Kung pagiging ambisyosa ang pag-uusapan, e, nangunguna ang babaeng ‘yun!

Talagang nu’n pa man, e, marami na siyang ambisyon.

“Lalo na ngayon na nagkaroon siya ng chance na magkatrabaho dahil sa anak niya natural, mas tumingkad ang ambisyon niyang tumakbo sa bayan nila,” umpisang chika ng aming impormante.

Lahat ng okasyon sa kanilang probinsiya ay dinadaluhan ng female personality. Gumagawa siya talaga ng paraan na isingit ang mga pagtitipon sa kanilang lugar dahil malaking bagay ‘yun sa mga pinaplano niyang gawin sa hinanarap.

Patuloy ng aming source, “Naging close kasi siya sa isang political family nu’n, kaya alam niya ang mga pasiku-sikot ng papasukin niyang mundo.

“Hindi lang siya basta entertainer sa mga kampanya nu’n, pinag-aaralan niyang mabuti ang mga galaw ng pamilyang sinamahan niya sa kampanya.

“Nu’n pa lang, buhay na buhay na ang ambisyon niyang pumasok sa pulitika, kaya lang, e, wala pa siyang puhunan sa pagtakbo. Pero ngayong medyo nagkakalaman na ang bulsa niya, e, mas nabuhay ang kagustuhan niyang mamulitika na sa probinsiya nila.

“Marami na kasi siyang alam ngayon, marami na siyang natutuhan, marami rin siyang puwedeng hingan ng tulong sa pagtakbo niya.

“Naku, ambisyosa talaga ang lola n’yo, hindi siya makapapayag na hindi matuloy ang pangarap niya, ganu’n siya katindi!” sabi uli ng aming impormante.

Pero nabigo ang female personality sa ginawa niyang pagtulong nitong nakaraang eleksiyon sa isang male personality na naging bahagi ng kanyang buhay.

“Naku, hindi enough ‘yun para mamatay ang ambisyon niya, lalo pa nga siyang nangarap, dahil alam na raw niya ang gagawin para sa katuparan ng ambisyon niya!

“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kilalang-kilala n’yo ang ambisyosang babaeng ito, puro magandang buhay ang pinapangarap niya!” pagtatapos ng aming source.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending