Spring Films, Korean producers sanib-pwersa sa ‘Sunshine Family’
SA pelikulang “Sunshine Family” ay hand-picked si Sue Ramirez ng direktor nitong si Kim Tai Sik. Ambassador ng Korea ang aktres kaya hindi na siya dumaan sa audition.
Ang child actor na si Marco Masa ang dumaan sa audition at sa rami ng mga batang sumubok ay ang bagets ang napili ni direk Kim.
Ang mag-asawang Nonie at Shamaine Buencamino ay pinili naman ng isa sa producer ng Spring Films, si Binibining Joyce Bernal.
Ayon kay Sue, taunan kung i-renew siya bilang Korean ambassador kaya happy siya dahil pabalik-balik siya sa nasabing bansa kapag may events at gustung-gusto niya dahil isa ito sa paborito niyang travel destination.
Kaya nang malamang sa Korea sila magsu-shoot ng “Sunshine Family” ay talagang natuwa siya dahil gustung-gusto niya ang mga pagkain doon at siyempre para malibot pa ng husto.
Ayon kay Sue ay nakakapagbasa at nakakapagsulat siya ng Korean pero hindi niya masyadong naiintindihan.
Ang ginagawa raw niya bilang ambassador to Korea ay imaging, promotes throughher social media at pictorials.
“Tatlong beses na po akong nakapunta sa Korea kasi nasa contract ko po ay once a year. Hindi ko pa po nalibot nang husto ang Korea, hindi pa po ako nakapag Jeju (Island),” pag-amin ng aktres.
Anong magandang experiences niya sa Korea? “Ang natatandaan ko po ay hindi ako pumapayat doon kasi napakasarap na ng Korean food dito sa atin, pagdating ninyo ng Korea ibang level ‘yung sarap,” masayang kuwento ng dalaga.
Nakilala na ni Sue si Shinwoo ng grupong K-Pop group naBlanc 7 na kasama nila sa pelikula at ang paborito naman niyang Korean star ay si Kim Soo Hyun, “Yung bida po sa My Love from the Star, kakalabas lang niya ng Army (military service) kaya baka ito na ‘yung chance.”
Pero walang crush na Korean actors si Sue at sa katunayan ay mas pinili niya ang boyfriend niyang si Joao Constancia ng Boyband PH kaysa sa mga sikat na K-Pops stars.
Pero kapag oras daw ng trabaho ay hindi kailangan ni Sue ang boyfriend, “Pag trabaho po hindi ko siya (Joao) masyadong kailangan. Ha-hahaha!” tumawang sabi ng dalaga.
Pero kung parehong walang work sina Sue at Joao ay gusto rin naman daw ng aktres na ipasyal ang binata sa Korea, “Dadalhin ko siya sa Busan kapag Cherry blossoms festival, ipapakain ko siya sa mga Zombie doon,” tumawa pang sambit ni Sue.
Nakilala kasi ang Busan dahil sa pelikulang “Trip To Busan” na naging blockbuster nang ipalabas sa Pilipinas noong 2016.
At ang paboritong kainin ni Sue ay ang Samgyupsal beef, “Sobrang lambot po kasi ng beef nila at ang juicy-juicy. At masarap din ‘yung Tteok-bokki, street food po ‘yun na spicy rice cake.”
Samantala, ang ganda ng kuwento ng “Sunshine Family”. Magsisimula ito nang pauwi na sila sa Pilipinas pero maaaksidente ang tatay niya, at masasangkot sa hit and run at nagkataon pa na ang police investigator ay boyfriend ni Sue.
“Kaya nga po tinatanong ko kung anong mangyayari. Kasi po sa Korea may death penalty so ‘yun po ang pinakamalaking conflict sa utak ko. Kung sasabihin ko ba doon sa boyfriend ko na nakapatay ang tatay ko. Ipit po ako sa sitwasyon. So whatever happens, I am with my family.
“Pero in real life hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, siguro I’ll cross the bridge when I get there,” say ni Sue.
Naikuwento rin ni Sue na masarap katrababo ang Koreans dahil dire-diretso ang work at walang masyadong tsikahan.
Mapapanood na ang “Sunshine Family” sa Hunyo 5, magkakaroon ito ng premiere night sa Hunyo 4 sa Trinoma Cinema. This is produced by Spring Films at Film Line Pictures LTD.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.