Caballero tuloy lang ang trabaho kahit may banta mula sa POC Board | Bandera

Caballero tuloy lang ang trabaho kahit may banta mula sa POC Board

Melvin Sarangay - May 16, 2019 - 08:20 PM

SINAGOT ni Philippine Olympic Committee (POC) deputy secretary-general Karen Tanchanco-Caballero (ikatlo mula sa kaliwa) ang tanong mula sa sports media sa ginanap na Usapang Sports na inorganisa ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) Huwebes sa National Press Club sa Intramuros, Maynila. Nakasama ni Caballero sa Usapang Sports sina (mula kaliwa) PH men’s volleyball team members Peter Torres at Rex Intal at TOPS president Ed Andaya.

https://bandera.inquirer.net/wp-admin/post.php?post=217549&action=edit

MAYROON mang di pagkakaunawaan sa Philippine Olympic Committee (POC) Executive Board, sinabi ni POC deputy secretary-general Karen Tanchanco-Caballero na tuloy lang ang kanyang pagtatrabaho sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) at pagtulong sa paghahanda ng bansa para sa 30th SEA Games simula Nobyembre 30.

Sa ginanap na miting noong Abril 30, nagpulong ang isang paksyon ng POC Board at nagkasundo na bawiin ang pagkakatalaga kay Caballero bilang deputy sec-gen at sa iba pang posisyon nito sa POC.

Ang desisyon ay pirmado naman nina first vice president Jose Romasanta, second vice president Antonio Tamayo Jr., treasurer Julian Camacho, auditor Jonne Go, board member Jesus Clint Aranas at dating POC president Jose “Peping” Cojuangco Jr.

“First, I was appointed to the position by POC president Ricky Vargas. Kaya kung may magpapaalis sa akin sa puwesto, hindi ang POC Board but si Mr. Vargas mismo,” sabi ni Caballero Huwebes ng umaga sa ginanap na lingguhang Usapang Sports na inorganisa ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros, Maynila.

“Anyway, ginawa na nila ‘yan and I already sought the help of my legal counsel. Right now, ang order sa akin ni Mr. Vargas ay tuloy lang sa trabaho.”

Ang nasabing paksyon ng POC ay siya ring kumukwestyon sa paglahok ng iba pang miyembro ng POC Board na sina POC president Ricky Vargas, secretary-general Patrick Gregorio, communications director Ed Picson at Caballero sa PHISGOC na nakatokang tapikin ang mga pribadong kumpanya para madagdagan ang P6 bilyon na SEA Games budget mula sa pamahalaan.

Wala naman makitang dahilan si Caballero kung bakit siya gustong patalsikin sa POC Board ng paksyong pinangungunahan ni Cojuangco.

“Hindi ko ma-connect. But one thing is clear here that my late father (Gen. Mario Tanchanco) is not part of their group, simple as that I guess,” sabi pa ni Caballero, na siya ring pangulo ng Sepak Takraw Federation of the Philippines.

Gayunman, sinabi ni Caballero na tuloy lang siya at ang iba pang kasapi ng PHISGOC sa pagtatrabaho para maging matagumpay ang hosting ng bansa sa 30th SEA Games.

“So far, so good with regards on the country’s preparation for the SEA Games. Sa venue po although hindi po ako kasama sa committee, pero over 90 percent na ang natatapos. We’re on target,” dagdag pa ni Caballero.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Umaasa naman si Caballero na ang main hub ng 30th SEA Games sa New Clark City sa Capas, Tarlac ay makukumpleto at magagamit na sa darating na Agosto o Setyembre.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending