Alex Gonzaga hinatulan: persona non grata sa Parañaque?
May chikang persona non grata raw si Alex Gonzaga sa Parañaque.
May sinabi raw kasi itong hindi kagandahan during a campaign sortie para sa party list na kanyang ikinakampanya.
Lumabas sa Parañaque Headlines Facebook account ang aria against Alex.
“Oh ano kayo ngayon Parañaque headlines? Bakit may pagbura? Eh kaso maparaan ang mga Parañaqueño ee. Bleeeehhh.”
“To you Ms. Alex Gonzaga and Juan Party List, sana inalam niyo muna ang tunay na sitwasyon dito sa lungsod ng Parañaque bago kayo nagbitaw ng kung anu-anong salita laban sa Mayor namin, sana kinilala niyo din muna yung sinamahan niyong partido.”
‘Yan ang nakalagay na caption sa short video ni Alex. We tried to watch the video pero hindi namin maintindihan ang mga sinabi ni Alex. Hindi kasi malinaw ang audio.
Ganoon pa man, na-bash si Alex sa comment section ng Parañaque Headlines Facebook account.
“Kahit sinong politiko pa ang sinamahan mo, hindi pa rin tama na magsalita ka ng ganyan. Dayo ka lang.
Anung alam mo sa politika dito? Tsaka partylist dala mo, diba? Napapaisip tuloy ako kung ganyan ka rin ba pag kinakampanya mo tatay mo. Naninira ka din?”
“Think before you speak Alex G. Imbes na susuportahan namin ang Partylist mo nawalan kapa tuloy ng boto dito sa Parañaque. Idol pa naman kita. So dissapointed.”
There are those who defended Alex.
“Ay nako Alex hayaan mo na sila kulang lang yan sa pansin go Alex laban lang.”
“Ang OA nyo naman kay Alex. Madaming tumatakbo. Hindi lang din naman si Alex nagsasalita ng mga ganyan. Pati mismo tumatakbo nagsasalita ng kung ano ano. Hanggat walang binabanggit na pangalan walang kaso dun.”
Any comment, Alex?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.