Krusyal na panalo habol ng Marinerong Pilipino kontra Perpetual | Bandera

Krusyal na panalo habol ng Marinerong Pilipino kontra Perpetual

Melvin Sarangay - May 13, 2019 - 09:20 PM

Laro Martes (Mayo 14)
(Ynares Sports Arena)
2 p.m. Marinerong Pilipino vs Perpetual
4 p.m. CEU vs Wangs Basketball

MANATILING palaban para sa playoff round ang hangad ng Marinerong Pilipino Skippers sa pagsagupa nito sa University of Perpetual Altas sa kanilang 2019 PBA D-League game Martes sa Ynares Sports Arena, Pasig City.

Kailangan ng Skippers ang krusyal na panalo sa kanilang alas-2 ng hapon na laro kontra Altas para makahabol sa Foundation Group playoff race.

“At least ‘yung chance nandyan pa. Kailangan na lang nating makuha ito dahil ‘yung chance, wala na sa kamay namin,” sabi Marinerong Pilipino coach Yong Garcia matapos itala ang 88-85 overtime panalo kontra Metropac-San Beda noong Huwebes sa pangunguna nina Santi Santillan, Mike Ayonayon at Jhonard Clarito.

Tangan ang 4-4 kartada, asinta ng Marinerong Pilipino ang mahalagang panalo para makadikit sa FEU (5-3) sa ikaapat na puwesto.

Kung mabibigo naman ang Skippers awtomatiko silang masisibak sa labanan para sa playoff round.

Samantala, lumapit sa paghablot ng top seed sa Foundation Group ang asam ng Centro Escolar University (6-1) sa paghaharap nila ng Wangs Basketball (3-5) sa alas-4 ng hapon na laro.

“We need to toughen up and learn how to be a better team,” sabi ni CEU coach Derrick Pumaren na sasandalan sina Maodo Malick Diouf, Judel Fuentes at Keanu Caballero para pamunuan ang Scorpions.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending