Iba't ibang papel ni nanay sa buhay mo | Bandera

Iba’t ibang papel ni nanay sa buhay mo

Djan Magbanua - May 11, 2019 - 11:48 PM

SI nanay – ang maarugang babae na gumabay sa atin mula pagkabata hanggang paglaki.  Siya ang uri ng “queen” na sa sobrang lakas ng powers, tinalo si Thanos na may kumpletong Infinity Stones.

Napakadaming papel na ginagampanan ang bawat ina.  Ilan ang papel ng nanay mo sa buhay mo?

Chef

Five star restaurant? Favorite fast food mo? Walang wala yan sa luto ni nanay, na araw-araw mo man natitikman, hinding hindi ka magsasawa.

Teacher

Mula sa pagtuturo sa iyong bumasa hanggang sa pagtuturo kung saan nya tinago yung iniwan mo lang na kung saan na gamit, everyday may natutunan tayo kay nanay.

Fashion adviser

Unang kasama mo sa mga shopping para sa bagong mga damit at kabisado niya ang mga paburito mong kulay. Sino pa ba ang the best magbigay ng advice para sa OOTD mo kung hindi siya?

Life coach

“Papunta ka pa lang, pabalik na ako” ang paburitong linya n’ya, pero it makes sense naman! Marami nang napagdaanan sa buhay ang nanay mo at ayaw niyang masaktan ang kanyang baby. Siya ang the best hingan ng payo dahil we all know “mother knows best”.

Matchmaker

Consistent ang pagtatanong kung sino ang kasama mo, madalas nirereto ka pa sa mga anak ng kumare nya. Pagdumaan sa kamay ni mader ang lovelife mo? Aba, hindi ka na mahihirapan na magustuhan siya ng family mo.

All-around supporter

Hiyang hiya ka na sa graduation photo mo kung saan nakasabit lahat ng award mo na sa sala pero sige pa rin siya na maipagyabang ka sa mga bisita mo. The world might not think much of you, pero para kay nanay? Ikaw ang number one.

Doctor

Bata pa lang tayo, halik pa lang niya tila gamot na.  Pag may sakit tayo, ang alaga pa lang niya kung minsan ay sapat na para gumaling tayo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tagatahan

Ito ang isa sa pinakaimportante nyang papel sa buhay mo. Inaway ka ng kalaro mo hanggang sa ma-broken heart ka, siya ay ready para ikaw ay damayan at i-comfort.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending