Maine nambiktima ng mga artista hopefuls sa TBATS | Bandera

Maine nambiktima ng mga artista hopefuls sa TBATS

Bandera |May 12,2019
facebook
share this

Maine nambiktima ng mga artista hopefuls sa TBATS

Bandera - May 12, 2019 - 01:05 AM

MAINE MENDOZA

NGAYONG gabi, makikigulo ang Phenomenal Star na si Maine Mendoza sa top-rating comedy program na The Boobay And Tekla Show.

Sa paboritong segment ng viewers ng “Pranking in Tandem”, muling ipamamalas ni Maine ang kanyang wacky side sa pag-prank sa isang grupo ng artista hopefuls. Magtagumpay kaya siya na lokohin ang kanyang mga biktima?

Sa parody segment naman na “Till Death Do Us Part”, gagampanan ni Boobay ang isang bride-to-be na namatayan ng kasintahan played by Super Tekla. Ipaglalaban nito ang kanyang pagmamahal at papakasalan pa rin ang bangkay ng yumaong fiancé.

Maiinit at nakakaintrigang mga tanong naman ang ibabato sa Kapuso heartthrobs na sina Jeric Gonzales at David Licauco sa segment na “Feeling Blank” gaya na lang ng, “Sino sa mga kaibigan mong Kapuso actors ang pumatol na sa ___?”

Abangan din ang nakakalokang “TBATS on the Street” kung saan hamunin nina Boobay at Tekla ang mga tao upang isalin sa wikang Filipino ang mga title ng kantang nasa wikang Ingles.

Lahat ng ‘yan sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, 10:30 p.m. after Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA 7.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending