AlDub nation umalma sa pagpapares nina Alden at Kathryn

AlDub nation umalma sa pagpapares nina Alden at Kathryn

Therese Arceo |April 04,2024
facebook
share this

AlDub nation umalma sa pagpapares nina Alden at Kathryn

Therese Arceo - April 04, 2024 - 10:22 PM

AlDub nation umalma sa pagpapares nina Alden at Kathryn

TILA hindi pa rin nakaka-move on ang ilang delulu at hardcore members ng AlDub nation sa tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Hindi kasi nagustuhan ng ilan sa mga ito ang nagba-viral na sweet moments ni Alden kasama si Kathryn Bernardo.

Matatandaang viral ngayon ang pa-surprise ni Alden sa birthday celebration ni Kathryn dito sa Manila kung saan may dala-dala itong malaking bouquet ng bulaklak at regalo.

Sey ng ilang members ng AlDub nation, hindi raw maganda na pinagtatambal ang dalawa lalo na’t may “asawa’t anak” na raw ang aktor.

Baka Bet Mo: Alden Richards, Kathryn Bernardo may matching ‘black rings’?

Sa X (dating Twitter) ay marami sa mga fans ang nagbahagi ng kanilang saloobin ukol sa tila mas lumalalim na sweetness nina Alden at Kathryn.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Naku gurl mag-isip isip ka. If you have self-respect huwag ka [nang] pumatol sa may asawa’t anak. Makakahanap ka ng ibang walang sabi ng di ka mapulaan,” sabi ng isang miyembro ng AlDub nation.

Chika naman ng isa, “Nakahanap na siya. Ewan ko pang kung wala na talagang sabit si JR [Alden] at ayaw yata ng nanay dahil Kuya J lang ang mayroon siya. Gusto ‘yung may Mcdo kahit conjugal at yung may Tesla.”

Samantala, may ilang netizens naman ang nakisakay sa kalokohan ng mga AlDub fans na hindi magawang maging masaya para kina Alden at Maine na may kanya-kanya nang buhay.

“Naku Kathryn, maawa ka sa pamilya nina Alden at Yaya Dub! Huwag ka manira ng buhay ng iba,” sabi ng isa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Biro naman ng isa, “Kathryn, magagalit sa ‘yo ang AlDub nation, baka ipagtirik ka nila ng kandila at kumanta na naman sila haha.”

Sa ngayon ay tahimik pa rin sina Kathryn at Alden kung ano nga ba ang namamagitan sa kanilang dalawa.

Matatandaang unang nagkasama ang dalawa sa pelikulang “Hello, Love, Goodbye” na siyang naging highest grossing Filipino Film of All Time bago pa ipinalabas ang “Rewind” na siyang pumalit sa pwesto nito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending