Sharon apektado sa pananakot ng 'Kuwaresma', pinalakpakan ng mga estudyante sa sinehan | Bandera

Sharon apektado sa pananakot ng ‘Kuwaresma’, pinalakpakan ng mga estudyante sa sinehan

Jun Nardo |May 11,2019
facebook
share this

Sharon apektado sa pananakot ng ‘Kuwaresma’, pinalakpakan ng mga estudyante sa sinehan

Jun Nardo - May 11, 2019 - 12:01 AM

SHARON CUNETA

BUMILIS ang tibok ng puso ni Sharon Cuneta habang pinanonood ang first ever horror movie niyang “Kuwaresma” sa ginanap na advance screening nito sa Cine Adarna, UP Diliman last Thursday.

Tahimik lang sa simula ang character ng Megastar pero natutong lumaban upang iligtas ang anak na ginampanan ni Kent Gonzales.

Tilian nang tilian ang audience sa loob ng UP theater na karamihan ay estudyante at palakpakan din sila sa ipinakitang performance ni Mega pati na ng aktor na si John Arcilla lalo na sa last part ng “Kuwaresma.”

Tuwang-tuwa naman si direk Erik Matti sa naging reactions at feedbacks ng audience pagkatapos ng screening. After ng maaksyong “Buy Bust,” isang nakakakilabot namang obra ang handog niya sa manonood.

Kakaibang Mother’s Day offering ng Reality Entertainment at Globe Studios ang “Kuwaresma” pero swak na swak pa rin ito sa okasyon dahil ramdam na ramdam sa movie ang pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak, na handang gawin ang lahat para lang mailigtas sa tiyak na kapahamakan ang kanyang mga mahal sa buhay.

q q q
Natupad din ang pangarap ng komedyanteng si Super Tekla na maging guest si Maine Mendoza sa Kapuso Sunday show nila ni Boobay na The Boobay and Tekla Show.
Eh, likas din ang pagiging komedyante ni Meng kaya swak na swak ang guesting niya sa comedy show nina Boobay at Tekla ngayong Linggo.
Abangan kung ano ang gagawin ng nag-iisang Phenomenal Star sa segment na “Pranking in Tandem” kung saan pagtitripan niya ang mga artista hopefuls.
Bukod kay Maine, special guest din sa episode ng TBATS ngayong Sunday night sina Jeric Gonzales at David Licauco.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending