Pagdaraos ng eleksyon sa Lunes pormal nang idineklarang holiday
PORMAL nang pinirmahan ni Pangulong Duterte ang Proclamation 719 na nagdedeklara sa Lunes, Mayo 13, bilang special non-working holiday sa buong bansa para sa pagdaraos ng midterm elections.
“There is a need to declare Monday, 13 May 2019, a special (non-working) holiday to enable the people to properly exercise their right to vote,” ang sinasaad ng Proclamation 719.
Hindi naman isinama ang Mayo 14, Martes sa holiday matapos namang lumutang na magiging dalawang araw ang holiday.
Nauna nang tiniyak ng Department of Energy (DOE) na sapat ang suplay ng kuryente para matiyak na walang magiging aberya sa gaganaping halalan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.