Pagharang sa kandidatura ni Edu may bahid politika
HALATANG-HALATA nga naman ang tiyempo ng paglalabas ng desisyon ng COMELEC tungkol sa kandidatura ni Edu Manzano bilang kongresista ng San Juan.
Matindi ang laman ng desisyon, hindi siya puwedeng lumahok sa pulitika, dahil hindi siya Filipino citizen.
Kinukuwestiyon na naman ang kanyang citizenship tulad nu’ng kumandidato siyang vice-mayor ng Makati na naipanalo niya naman.
Kahit naman uhuging bata ay magtatanong kung bakit itiniyempo pa ngayon ang paglalabas ng pagpigil niyang tumakbo. Napakatagal nang nakikilahok sa pulitika ng aktor-TV host, apat na nakaraang halalan na, pero bakit hanggang ngayon ay ipinupukol pa rin laban sa kanya ang isyu ng kanyang citizenship.
Tumakbo na siyang vice-mayor, senador at vice-president, narausan niyang lahat ‘yun, nakarating hanggang sa Supreme Court ang usapin.
At mismong Supreme Court ang naglabas ng desisyon, Pilipino si Edu Manzano, hindi siya dapat pigilan sa paglahok sa pulitika sa ating bayan.
Dahil ba sa malakas si Edu Manzano, kaya biglang kinalambre ng takot ang kanyang mga kalaban, biglang naglabas ng balita ang kanyang mga katunggali na tanggal na ang kanyang pangalan sa parating na halalan?
Agarang nag-Motion For Reconsideration ang kampo ni Edu Manzano para kuwestiyunin ang desisyong inilabas ng COMELEC. Alin ba ang mas makapangyarihan at mas mataas – ang Supreme Court o ang COMELEC?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.