Ka Freddie laglag sa survey kahit suportado ni Digong
SA mga isinagawang survey ay laglag si Freddie Aguilar sa talaan ng mga senatoriables, this despite support from the President himself.
Idinepensa pa ni Pangulong Digong ang kakayahan ng iconic folk singer na isa raw henyo dahil hindi biro ang lumikha ng mga awitin.
Wala naman talagang pagdududa na isang musical genius si Ka Freddie, his songs will speak for themselves.
Pero hindi pala isang garantiya that the President’s endorsement can make any candidate pull through kahit sa survey man lang. With the exception of Bong Go, ito lang ang nasa Top 5, dahilan para ikadismaya ng marami.
Disturbing lang para sa amin ang administration-dominated survey as of late.
Sa hanay kasi ng oposisyon ay bukod-tanging si Bam Aquino ng Otso Diretso lang ang pinalad na makapasok sa Top 12, mataas pa ang probability na malaglag pa siya.
Reminiscent ito noong panahon ng kanyang nasirang tiyuhin, si dating Sen. Benigno Aquino na humalo sa mga pro-Marcos lawmakers.
Sana lang, history doesn’t repeat itself. Obviously, we’re being haunted by the ghost of a political past na hindi magandang gunitain.
q q q
More than a week ago ay ipinatawag ni Imee Marcos ang mga kapitan ng barangay mula sa aming lugar sa Pasay City.
Idinaos ‘yon sa tahanan (isa sa mga) ni Imee sa San Juan kung saan meron din palang property ang Pangulo.
Dalawang daan at isa ang mga barangay na bumubuo sa Pasay na nahahati sa dalawang distrito.
If all barangay chairmen were present ay mantakin n’yo kung magkanong inabot ng pakimkim ni Imee which we heard ay 10 puk (thousand) kada ulo?
Mahigit dalawang milyong piso lang naman ang katumbas niyon. At Pasay pa lang ang pinag-uusapan dito para sa pambansang puwestong tinatakbuhan ni Imee.
You do a simple arithmetic and you can just imagine how much Imee has so far spent on her senatorial bid. Pero barya na lang ito sa kanya.
Iba na talaga ang masalapi. Any comment Imee? Totoo ba ito? Bukas ang pahinang ito para sa iyong explanation.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.