NABAWASAN umano ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa, ayon sa survey ng Social Weather Stations.
Naitala ang joblessness rate sa 19.7 porsyento (9.4 milyon) sa survey noong Marso, mas mababa sa 21.1 porsyento na naitala noong Disyembre.
Sa mga walang trabaho, tatlong porsyento ang first time job seekers, siyam na porsyento ang boluntaryong umalis sa pinapasukan, isang porsyento ang nagsara ang pinapasukan, anim na porsyento ang hindi na na-renew ang kontrata at isang porsyento ang inalis sa trabaho.
Sa mga walang trabaho, ang pinakamarami ay ang nasa age group na 18-24 taong gulang (46 porsyento), sinundan ng edad 25-34 (27 porsyento), edad 35-44 anyos (18 porsyento) at 45 pataas (11 porsyento).
Umaasa naman ang 50 porsyento na mas maraming trabaho ang maaaring pasukan sa susunod na 12 buwan samantalang 25 porsyento ang walang nakikitang pagbabago. Ang 13 porsyento ay nagsabi na maaaring mas kumonti pa ang maaaring mapasukang trabaho at 12 porsyento ang hindi alam kung darami o kokonti ang maaaring mapasukang trabaho sa susunod na 12 buwan.
Ginawa ang survey mula Marso 28-31 at kinuha ang opinyon ng 1,440 respondents. Ito ay mayroong error of margin na 2.6 porsyento.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.