BABABA ng 27 sentimos ang singil ng Manila Electric Company sa mga kustomer nito ngayong Mayo.
Ayon sa Meralco mula sa P10.5594 kada kiloWatt hour, ang singil nito ay bababa sa P10.2866 kada kWh.
Ang kumokonsumo ng 200 kWh kada buwan ay mababawasan ng P55 ang singil.
Pinayuhan naman ng Meralco ang mga kustomer nito na tignan ang kanilang konsumo dahil maaaring tumaas din ang kanilang nakonsumong kuryente dahil sa init kaya maaaring hindi maramdaman ang pagbaba.
Sinabi ng Meralco na 12 porsyento lamang ng isinuplay nitong kuryente ay galing Wholesale Electricity Spot Market kaya hindi ito masyadong naapektuhan ng tumaas ang presyuhan ng kuryente rito ng itaas ang yellow at red alert dahil sa kakulangan ng suplay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.