Magnitude 5.0, 4.6 yumanig sa Surigao del Sur
Leifbilly Begas - Bandera May 05, 2019 - 04:08 PM
NIYANIG ng magnitude 5.0 lindol ang Surigao del Sur kaninang umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-9:56 ng umaga.
Ang epicenter nito ay 81 kilometro sa silangan ng Cagwait. May lalim itong 28 kilometro.
Inaasahan ng Phivolcs na magkakaroon ng aftershock ang pagyanig na ito.
Alas-6:32 ng umaga ay magnitude 4.6 naman ang naramdaman sa bayan ng Marihatag, Surigao del Sur.
Ang sentro nito ay 80 kilometro sa silangan ng Marihatag at may lalim na tatlong kilometro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending