Nadine inaatake pa rin ng depresyon: Bigla na lang akong kakabahan at malulungkot, ‘di ko alam kung bakit | Bandera

Nadine inaatake pa rin ng depresyon: Bigla na lang akong kakabahan at malulungkot, ‘di ko alam kung bakit

Bandera - May 05, 2019 - 12:35 AM

NADINE LUSTRE

HANGGANG ngayon pala ay inaatake pa rin ang 2019 FAMAS best actress na si Nadine Lustre ng matinding kalungkutan at panic attack.

Inamin ng dalaga na may mga pagkakataon na bigla na lang siyang malulungkot o matutulala kahit wala namang dahilan. Kaya raw siguro nami-misinterpret ng ibang tao ang kanyang ugali at nasasabihan siyang isnabera o maldita.

“Even until now, I still get panic or anxiety attacks. Kapag nakaka-feel po ako ng ganu’n kakausapin ko lang si James (Reid, boyfriend niya), siya po kasi ‘yung biggest safety blanket,” pahayag ni Nadine sa thanksgiving presscon na ibinigay sa kanya ng Viva Artists Agency matapos manalong best actress sa katatapos lang na FAMAS awards para sa pelikula nila ni James na “Never Not Love You”.

“So, kapag ganu’n po, kakausapin ko lang si James, sasabihin ko sa kanya kung ano ang nararamdaman ko. But there are also times na bigla na lang akong kakabahan, hindi ko po alam kung ano ‘yung reason kung bakit bigla akong nada-down and all.

“As much as possible, I try to surround myself with people who support me and show so much love and care. I just communicate a lot kasi, when I was younger, that’s what I learned.

“Before, hindi po ako nagsasalita. Hindi ko po sinasabi sa ibang tao ‘yung nararamdaman ko and, eventually, nasa loob lang po siya. So when the time comes na ready na siyang sumabog, naipon na siya.

“Parang mas mahirap po ‘yung ganoon than just releasing it. Kasi if you will just release it, parang mas magaan na siya para sa ‘yo. Hindi mo na siya dinidibdib,” mahabang paliwanag ng award-winning na ngayong aktres.

Hindi rin itinanggi ni Nadine na tinangka niyang humingi ng professional help para sa kanyang kundisyon, “Actually, a few years ago, I tried, pero parang natakot ako.

“I’m the type of person po kasi na baka, hindi naman maging dependent, na, if in case na bigyan ako ng meds or something, ang feeling ko, hindi ko po kaya na wala na,” aniya.

Dagdag pa ng aktres, “I think, growing up, lahat naman po ng mga kabataan, naranasan ‘yun. It’s an imbalance for me. It goes way back, sa dad ko rin po, my grandparents, so hindi ko rin po siya maiiwasan.

“I was also home-schooled, although nagti-TVC (commercial) before, and parang people would think, ‘Why would she feel insecure before na nagti-TV naman siya, may hitsura naman siya?’ It doesn’t necessarily mean na if insecure, kasi hindi ka maganda.

“Sometimes, it’s just may emotional or merong mga pagkukulang o may mga hinahanap. Before po kasi, nag-home school ako, so wala po akong friends, palagi po ako sa bahay, computer. Meron din po akong social anxiety.

“Kapag nakikipag-usap ako sa ibang tao, parang kinakabahan ako kasi hindi po ako marunong makipag-usap,” pag-amin pa niya. At ito raw marahil ang dahilan kung bakit nasasabihan siyang suplada pero ang totoo nauunahan siya ng kaba.

Sa katunayan, kahit noong tanggapin niya ang kanyang FAMAS best actress trophy ay kabadung-kabado siya, “Hindi pa rin po kasi ako nasasanay na magsalita sa harap ng maraming tao. But I’m trying, kahit po sa mga presscon kinakabahan pa rin ako.”

Samantala, tungkol naman sa “Darna”, hindi pa pala siya sinasabihan ni Boss Vic del Rosario ng Viva na mag-audition para sa iconic Pinay superhero. Pero tulad ng mga nauna niyang pahayag, handa siyang tanggapin ang hamon kung sa kanya ibibigay ang “bato” ni Darna bilang kapalit ni Liza Soberano.

“Sino ba naman ang hindi gugustuhin na gumanap na Darna, she’s a Filipino icon, a symbol of hope, and a protector, at para ihalintulad ako ng mga tao sa kanya, it’s amazing.

“I’m not expecting anything, and I’m not the kind of person who’s assuming. Alam ko naman po ibibigay nila ‘yung role sa taong deserving. Pag sinabahan po ako, gagawin ko. I’m very open to everything. I would want do it,” hirit pa ni Nadine.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dugtong pa niya, “Siyempre po handa ako, pero kasi malaking responsibilidad po ‘yun, e. Siyempre si Darna ‘yun. Hindi ka puwedeng magkamali kaya dapat paghandaan talaga. And I know na mahirap ang training niyan dahil naikuwento sa akin ni Liza ang mga ginagawa niya before na mag-backout siya.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending