‘Hindi gagaling si Kris hangga't pumapatol siya sa bashers’ | Bandera

‘Hindi gagaling si Kris hangga’t pumapatol siya sa bashers’

Cristy Fermin - May 03, 2019 - 12:40 AM

KRIS AQUINO

Mas dumami ang nagpapayo ngayon kay Kris Aquino na sumentro na lang muna sa kundisyon ng kanyang kalusugan kesa sa sagot pa siya nang sagot sa mga pang-uusisa sa kanya sa social media account niya.

Si Kris na rin naman ang nagsasabing wala nang lunas ang kanyang karamdaman, bubuti ngayon ang pakiramdam niya dahil sa mga gamot na iniinom niya, pero uulit pa rin ang kanyang problemang pisikal.

Aminado si Kris na bawal sa kanya ang ma-stress, ‘yun daw ang mas nagpapalala sa kanyang mga allergies, kaya para hindi na siya atakihin nu’n ay hindi siya dapat binibigyan ng problema.

Wala namang nagbibigay sa kanya ng poproblemahin, si Kris ang gumagawa ng mga sarili niyang problema, hindi niya sinusunod ang mga ipinagbabawal sa kanya.

Bawal pala siyang ma-stress, bakit kasi lumalapit pa siya sa magiging dahilan ng paglala ng kanyang sakit, napakadali namang iwasan ‘yun sa pananahimik na lang muna sana niya.

Walang katahimikan ng kalooban na mararamdaman si Kris kapag ganyan ang kanyang ginagawa.

Bahagyang kibot ay nakasagot agad siya, konting bagay lang ay pinalalaki niya, kaya si Kris Aquino mismo ang may katigasan ng ulo.

Komento ng kaibigan naming direktor, “Naku, mahirap makipag-usap sa kalbo! Wala kang masasabunot!”

Aray ko!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending