Promise ni Bianca Umali: Magtatapos ako ng college kahit ano'ng mangyari | Bandera

Promise ni Bianca Umali: Magtatapos ako ng college kahit ano’ng mangyari

Bandera - May 03, 2019 - 12:30 AM

BIANCA UMALI AT MYLENE DIZON

Promise ni Bianca Umali sa sarili at sa kanyang pamilya, tatapusin niya ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo kahit na patuloy siyang nag-aartista.

Sey ng Kapuso star at lead actress sa GMA Telebabad series na Sahaya, busy man sa showbiz, top priority pa rin ni Bianca ang makapag-kolehiyo lalo na’t katatapos lang niya ng high school.

“Magpapatuloy ako ng college and I will pursue a degree. Wala pang sure na school at wala pa rin certain course, pero tuloy-tuloy ‘yun,” aniya sa isang panayam. Naniniwala pa rin siya na mahalaga pa rin ang edukasyon kahit na kumikita na siya bilang artista.

Samantala, inamin naman ni Bianca na mas matinding sakripisyo ang ibinibigay ng buong produksyon ng Sahay dahil sa matinding init sa kanilang location.

Lahad ni Bianca, “Lahat ng bagay sa Sahaya, kung paano gawin walang madali talaga.

“But then again, dahil sa suporta at sa pagmamahal ng mga tao sa amin nagiging worth it at nagpe-pay off ‘yung mga ginagawa namin,” aniya.

Sa panayam naman ng GMA kay Mylene Dizon na gumaganap bilang Manisan, ang nanay ni Sahaya, “You know you’re excited to work, but really it’s harder than it looks.

“I’ve never done this before kasi ‘yung set namin nasa tubig. The angles are not as easy to capture because hindi naman kwadrado lahat at hindi siya isang kwarto. And the cameras have to be mounted on the water or on a boat,” aniya pa.

Pero chika ni Bianca, mas ginaganahan pa silang magtrabaho ngayon sa kabila ng matitinding challenges dahil sa magagandang review na nababasa nila about Sahaya.

Sey ni Bianca, “Yung Sahaya is really a passion project for me and for everyone. Lahat ng ipinapakita ko, lahat ng efforts ko, lahat galing sa puso. Which is, ngayon ko lang na masasabi kong ginawa para sa isang role.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napapanood pa rin ang Sahaya sa GMA Telebabad after Kara Mia. Kasama pa rin dito sina Miguel Tanfelix, Migo Adecer, Snooky Serna, Eric Quizon, Zoren Legaspi, Pen Medina at marami pang iba, sa direksyon ni Zig Dulay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending