TUMAAS ang net satisfaction rating ng mga ahensya ng gobyerno, ayon sa first quarter survey ng Social Weather Stations.
Ang Senado ay nakakuha ng 62 net satisfaction rating (72 porsyentong satisfied, 17 porsyentong undecided at 10 porsyentong dissatisfied), mas mataas sa 58 porsyentong nakuha nito sa survey noong Disyembre.
Ang Kamara de Representantes naman ay nakakuha ng 47 porsyentong net rating (61 porsyentong satisfied, 25 porsyentong undecided at 13 porsyentong dissatisfied) mula sa 40 porsyento.
Ang Korte Suprema ay nakapagtala ng 50 porsyentong (62 porsyentong satisfied, 26 porsyentong undecided at 12 porsyentong unsatisfied) mula sa 37 porsyento sa mas naunang survey.
Ang Gabinete naman ay may 44 porsyentong net rating (57 porsyentong satisfied, 29 porsyentong undecided at 12 porsyentong dissatisfied). Sa huling survey ng 2018 ito ay nakapagtala ng 35 porsyento.
Ang survey ay ginawa mula Marso 28-31 at kinuha ang opinyon ng 1,440 respondents.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.