#AldubNation laban lang: Itutuloy ang mga nasimulang adbokasiya nina Alden at Maine | Bandera

#AldubNation laban lang: Itutuloy ang mga nasimulang adbokasiya nina Alden at Maine

Jun Nardo - May 02, 2019 - 12:15 AM

MAINE MENDOZA AT ALDEN RICHARDS

TULOY pa rin sa pagpo-post ng mensahe sa Twitter ang AlDub Nation kahit kumalas na ang team ADN na namahala sa pagpapa-trend ng mga hashtag.

Ang ginamit na hashtag kahapon ng grupo ay #ALDUBxADNBagongSimula.

Ang mga admin sa @ALDUBTrends ay mula sa@ADNTeam_Ageless (scholarship drive), @ADNBookClub, @ADNInfoDrive at @Ms_Maiden07 (for ADN advocacies.

Ayon sa ALDUBNationTrends, “The ADN legacy continues. Through our daily hashtags, we strengthen connections to sustain support for Alden, Maine, the fandom and the various advocacies we have started.”

In fairness, umabot sa mahigit 22K na tweets ang gamit nilang hashtag as of this writing.

Kaya naman hashtag “laban lang” para sa lahat ng ADN loyal fans kahit na “magkahiwalay” ngayon ang kanilang mga idolo.

Hindi pa rin sila nawawalan ng pag-asa na isang araw ay muling magtatagpo ang dalawa para sa isang masarap at makabuluhang reunion. Sabi nga, hangga’t may buhay may pag-asa.

q q q

May chance na mag-alsa balutan na ang GMA News TV sa dati nitong istasyon at lumipat sa iba.
Mula sa radio na, TV pa sa DZBB, bahay rin nina Jessica Soho, Arnold Clavio at iba pang award-winning journalists at personalidad ang GMA News TV.

Sa aming free channel, nasa Channel 24 ang mga programa ng GMA News TV. Pero ang latest naming nasagap, simula sa June ay sa Channel 27 na ito mapapanood.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Naku, tiyak na may mga bagong pasabog ang GMNTV kapag natuloy ang paglipat nito ng channel, huh!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending