‘Hello, Love, Again’ nina Kathryn at Alden nangwasak ng record sa US
GUMAWA na naman ng panibagong kasaysayan ang pelikulang “Hello, Love, Again” nina Alden Richards at Kathryn Bernardo mula sa Star Cinema at GMA Pictures.
Bukod sa 1,000 sinehan sa Pilipinas, ipinalalabas na rin ngayon sa iba’t ibang cinema sa United States ang sequel ng blockbuster movie ng KathDen na “Hello, Love, Goodbye.”
Base sa ulat ng entertainment website na Deadline, ang “HLA” movie na nina Kathryn at Alden ang may hawak ng record para sa “highest opening weekend for a Filipino film in the US.”
Ito’y matapos ngang humamig ng $2.4 million gross ang pelikula at makapasok sa No. 8 spot sa mga kumikitang pelikula sa Amerika.
Baka Bet Mo: KathDen kumasa sa ‘rate your closeness’ challenge, magkaiba ang sagot
Ipinalalabas ngayon ang “Hello, Love, Again” sa 248 locations across the US and Canada.
“ABS-CBN Films and GMA Pictures’ movie saw strong turnout and engagement across key markets driven by a robust campaign by AJMC designed to engage core Filipino-American audiences while broadening its appeal to Asian-American, Hispanic, and general moviegoers.
View this post on Instagram
“The campaign leveraged the strong fan base of Bernardo and Richards, along with strategic partnerships with platforms like ABS-CBN’s TFC and Cinema One, creating a cohesive push across digital and social media,” ang nakasaad sa naturang report.
Kamakailan, kinumpirma ng Star Cinema at GMA Pictures na kumita na ang “Hello, Love, Again” ng P245 million sa Pilipinas sa loob lamang ng tatlong araw.
Ito’y mula sa direksyon ni Cathy Garcia-Sampana at kasama rin sa movie sina Joross Gamboa, Valerie Concepcion, Jennica Garcia, Jeff Tam, Kakai Bautista at marami pang iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.