TINATAYANG 200 pamilya ang nawalan ng bahay sa limang oras na sunog sa Quezon City noong Martes.
Nagsimula ang sunog alas-5 ng hapon sa Brgy. Bahay Toro. Mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa combustible materials ang mga bahay sa lugar.
Nahirapan ding pumasok ang mga trak ng bumbero dahil sa masikip na daan.
Umabot sa 50 kabahayan ang natupok.
Inaalam pa ang sanhi ng sunog na naapula alas-10 ng gabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending