Bakit nag-sorry si Vice Ganda sa bandang December Avenue?
NAG-SORRY si Vice Ganda sa bandang December Avenue matapos ang back-to-back appearance nila sa isang concert sa Camarines Sur.
Sa kanyang Twitter account idinaan ng Unkabogable Star ang paghingi niya ng paumanhin sa grupo.
“I just had a show in CamSur. Super sorry sa December Avenue kasi nakanta ko sa sing-along part ng program ung kanta nila not knowing na sila ung kasunod ko. I apologize. My bad,” tweet ng TV host-comedian
Ang tinutukoy ni Vice ay ang kanta ng December Avenue na “Kung ‘Di Rin Lang Ikaw,” na kinanta niya sa isang segment ng show kung saan pinakanta rin niya ang audience.
Nakikanta rin sa kanya ang mga tao nang kantahin niya ang isa pang OPM hit ng This Band na “Kahit Ayaw Mo Na.”
Nag-reply naman kay Vice Ganda ang December Avenue sa pamamagitan ng kanilang official Twitter account, “Keri lang mamshie! No need to apologize! We all enjoyed your set, super laugh trip. Ingat pauwi and see you soon!”
Sagot naman ni Vice, “Love you, December Avenue! Hope to see you guys again soon. I’m a super faney!”
Very vocal ang TV host-comedian sa pagiging fan ng banda, sa katunayan ilang beses nang nag-guest sa It’s Showtime at Gandang Gabi Vice ang December Avenue.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.