P47M Mega Lotto jackpot nasungkit, P144M Grand Lotto mailap | Bandera

P47M Mega Lotto jackpot nasungkit, P144M Grand Lotto mailap

Leifbilly Begas |April 30,2019
facebook
share this

P47M Mega Lotto jackpot nasungkit, P144M Grand Lotto mailap

Leifbilly Begas - April 30, 2019 - 02:41 PM

ISANG mananaya ang nanalo ng P47.7 milyong jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 kagabi.

Wala namang tumama sa P144 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office.

Sa bola ng Mega Lotto, isa ang nakakuha sa winning number combination na 17-35-18-23-19-10.

Nanalo naman ng tig-P30,070 ang 23 mananaya na nakakuha ng limang numero. Tig-P500 ang 1,101 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P24 taya ng 18,897 mananaya na nakatatlong numero.

Samantala sa bola sa Miyerkules ay posibleng umabot sa P148 milyon ang jackpot prize ng Grand Lotto.

Hindi tinamaan noong Lunes ang winning number combination na 05-44-51-47-15-07. Umabot sa P144.3 milyon ang actual jackpot prize.

Nanalo naman ng tig-P200,000 ang limang mananaya na nakalimang numero. Tig-P1,900 ang 459 mananaya na nakaapat na numero at balik ang p24 taya ng 11,752 mananaya na nakatatlong numero.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending