Chang Wook balik K-Drama agad paglabas ng military | Bandera

Chang Wook balik K-Drama agad paglabas ng military

Bandera |April 30,2019
facebook
share this

Chang Wook balik K-Drama agad paglabas ng military

Bandera - April 30, 2019 - 01:25 AM

JANG WOO AT JI WOON


Kaliwa’t kanan na ang mga offer sa Korean superstar na si Ji Chang Wook matapos ang kanyang mandatory militaty service noong Sabado.

Ayon sa agency ni Chang Wook na Glorious Entertainment, kabilang ang City of Stars at Please Melt Me sa mga pinag-aaralang projects ng Korean heartthrob.

Ang City of Stars ay isang space drama kung saan dalawang lalaki ang mapipili sa isang astronaut training project. Nakatakda itong ipalabas sa ikatlong bahagi ng taon.

Samantala, napaulat din na kabilang sa mga posibleng proyekto ni Chang Wook ang romantic comedy na Please Melt Me. Kwento ito ng isang lalaki at babae na lumahok sa isang proyekto kung saan magiging frozen sila ng 24 hours, ngunit magigising makalipas ang 20 taon dahil sa isang mysterious scheme.

Mainit na sinalubong si Chang Wook ng kanyang fans nang lumabas sa military facility ng Korea. Na-enlist si Chang Wook sa military noong Agosto, 2017.

Habang nasa loob ng military nakasama naman siya sa military musical na “Shinheung Military Academy” kasama sina Kang Ha Neul at Sunggyu ng INFINITE.

Huling napanood si Chang Wook sa Suspicious Partner (2017) at bumida rin sa K2 (2016), Healer (2015) at Empress Ki (2014).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending