Bianca ginawaran ng German Moreno Youth award | Bandera

Bianca ginawaran ng German Moreno Youth award

Bandera |April 30,2019
facebook
share this

Bianca ginawaran ng German Moreno Youth award

Bandera - April 30, 2019 - 01:15 AM

BIANCA UMALI

BUKOD kay Maymay Entrata, ginawaran din ang Kapuso youngstar na si Bianca Umali ng German Moreno Youth Achievement award sa katatapos lang na 67th FAMAS Gabi ng Parangal sa Meralco Theater, Pasig City.

“Isang karangalan po ang makatanggap ng parangal at mapansin po ninyong lahat,” unang mensahe ng Sahaya lead actress sa kanyang acceptance speech.

Pinasalamatan din niya ang mga taong walang sawang sumusuporta sa kanya, kabilang na ang kanyang mga supporters.

“Ang mga ganitong bagay po ang nagsisilbing inspirasyon para sa mga katulad ko pong nangangarap, na patuloy pa pong paghusayin sa ating industriya.

“Gusto ko pong magpasalamat, of course, kay God. Gusto ko pong magpasalamat sa kapamilya ko, at sa lola ko, kay Mama.

“Gusto ko pong magpasalamat sa aking network, GMA 7. Salamat po sa lahat ng taong nagmamahal at sumusuporta.

“Muli po, maraming-maraming salamat po, FAMAS. Mabuhay po ang FAMAS! Mabuhay po ang artistry nating mga Pilipino!” pahayag pa ni Bianca na patuloy na umaani ng papuri mula sa Kapuso viewers at netizens dahil sa performance niya sa GMA Telebabad series na Sahaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending