JK Labajo beast mode: Mga walanghiya kayo, naaawa ako sa mga magulang n'yo! | Bandera

JK Labajo beast mode: Mga walanghiya kayo, naaawa ako sa mga magulang n’yo!

Bandera - April 29, 2019 - 06:42 PM

JK LABAJO

“MGA walang respeto sa kapwa! Mga walang hiya!”

Yan ang bagong aria ni JK Labajo laban sa mga concertgoers na nambabastos ng mga performers on stage.

Nag-post ng kanyang sama ng loob si JK sa Instagram Story nitong Linggo pero hindi niya idinetalye kung anong concert ang kanyang tinutukoy at kung saan ito naganap. Narito ang kabuuan ng kanyang IG post.

“Puro pagpapansin ang ginagawa sa mga gigs ng mga taong walang modo na nakikisabay lang sa bandwagon ng mga ulol na walang ibang magawa sa buhay kung hindi ay mambastos sa artist na nagpe-perform sa mga lugar nila.

“Mga walang respeto sa kapwa. Mga walang hiya. Naawa ako sa mga magulang ninyo.

“Kung kayo ang kinabukasan ng ating bansa abay dapat makapunta nako sa kabilang dulo ng mundo bago pa maging huli ang lahat.

“Kung kayo ang kinabukasan ng ating bansa, nakakatakot isipin. Nakakahiya!” aniya pa.

Isa si JK sa iilang young celebrities na walang takot na magpahayag ng kanyang mga saloobin sa social media kaya madalas siyang naba-bash.

Kamakailan, naging kontrobersyal uli si JK nang murahin at mag-dirty finger sa isang member ng audience na paulit-ulit na sumigaw ng “I love you, Darren,” habang nagpe-perform sa Rakrakan Festival 2019 sa Makati City.

Bago ito, nagkasagutan naman sila ni Darren sa social media nang tawagin umano niya ang young singer ng bading.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending