Divine tetay cancer survivor, bawal nang tumodo sa comedy bar
Cancer survivor ang komedyanteng si Divine Tetay.
Nagkaroon siya ng pancreatic cancer kaya ngayong cancer free na siya, iwas na siyang mag-set sa comedy bars sa gabi and then uuwi ng bahay, kukuha ng gamit para mag-taping kahit kulang sa tulog.
“That was two years ago. Back and forth ako sa ospital. Kulang na lang kumuha ako ng unit sa Medical City,” saad ni Tetay nang makausap ng press sa shooting ng movie na “Lala en Kiko”.
Sa movie, lalabas siyang tinik sa dibdib ng bidang si Super Tekla na gaganap sa dual role bilang sina Lala at Kiko.
Kumakawala minsan sa kanyang mga eksena sa movie ang panggagaya niya kay Kris Aquino kung saan talaga siya nakilala ng publiko. Patok na patok sa viewers ang pag-i-impersonate niya kay Kris Aquino.
Nag-meet na sila ni Kris nang dalawang beses, ‘yung una ay nang mag-guest siya sa Game Ka Na Ba?
“You’ll love and hate her. I like her at nu’ng gayahin ko na siya, parang okay naman. Wala naman siyang violent na reaksyon nang malaman niyang ginagaya ko siya,” sabi pa ni Divine Tetay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.