ITINANGGI ni dating Cagayan de Oro Rep. Benjo Benaldo na nagtangka siyang magpakamatay.
Sa kanyang pagharap sa media kahapon, sinabi ni Benaldo na ‘pure accident’ ang nangyari sa kanya noong Hunyo 27, taliwas sa mga naunang pahayag na nagtangka siyang magpatiwakal matapos na matalo sa nakaraang eleksyon, at maakusahan na sinasaktan ang kanyang misis na si Daiana Menesis.
Hindi naman ipinaliwanag ni Benaldo kung papaano naging aksidente ang pangyayari.
“I understand there had been speculations in some sectors that the cause of the near fatal incident in my office was the much-publicized misunderstanding between me and my celebrity wife. Let me say that Daiana had nothing to do with the accident.
She was not in my office at that time,” ani Benaldo sa inihandang pahayag.
Si Benaldo ay mag-isa sa kanyang kuwarto ng makarinig ng putok ang kanyang mga staff. Mayroong mga ulat na merong iniwang suicide note si Benaldo kung saan nanawagan umano siya ng pagbabago sa halalan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.