Maymay pinaiyak nina Kathryn at Daniel: Walang kupas ang paghanga ko sa inyo

By Bandera April 24,2019
share this

Maymay pinaiyak nina Kathryn at Daniel: Walang kupas ang paghanga ko sa inyo

By Bandera April 24,2019
share this

MAYMAY ENTRATA, KATHRYN BERNARDO AT DANIEL PADILLA

BINALIKAN ni Maymay Entrata ang panahong nakikipagsiksikan pa siya para lang makita lang ang kanyang mga idol na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Kasama si Maymay sa bagong movie ni Kathryn na “Hello Love Goodbye” opposite Alden Richards under Star Cinema. At hindi pa rin daw siya makapaniwala until now na may pelikula na siya with Kathryn plus may Pambansang Bae pa.

Nag-post ang dalaga ng picture niya sa IG kasama ang KathNiel at ibinahagi nga niya ang kanyang mga naging experience bilang fan.

“Literal na umiiyak ako while nagta-type ngayon sa mga naaalala ko, pagkabuang nalang ayaw matigil tigil,” chika ni Maymay.

“Worth it yung PAYONG na dinutdot nung babae sa ulo ko dahil nakisingit ako para makita ko lang kayo ng kahit 10 meters away!” aniya pa.

Dugtong pa ng rumored girlfriend ni Edward Barber, “Ang paghanga ko nuon hanggang ngayon ay walang kupas lalo na’t binigyan nyo ko ng pagkakataon na kilalanin kayo hindi bilang artista kundi yung ‘Kayo.’”

Nagkaroon ng chance si Maymay na makapagpa-picture uli kina Daniel at Kathryn nang dalawin ni DJ ang kanyang girlfriend sa Hongkong kung saan nagsu-shooting ang “Hello Love
Goodbye”.

Nag-viral pa nga ang video kung saan gulat na gulat si Kath sa pagsorpresa sa kanya ng BF sa HK. Naiyak pa nga ang dalaga nang makita si Daniel.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending