Bakit daw nagloloko si James Yap; atbp. | Bandera

Bakit daw nagloloko si James Yap; atbp.

|January 26,2010
facebook
share this

Bakit daw nagloloko si James Yap; atbp.

- January 26, 2010 - 01:59 PM

“Target ni Tulfo” by Mon Tulfo

NATAKPAN tuloy ang iskandalo na ginawa ni Kris Aquino sa Valle Verde dahil sa istorya ng pagkokonsenti ni Marlene Aguilar sa kanyang anak na si Jason.
Sinugod ni Kris ang kanyang kapitbahay na babae dahil pinaghinalaan niyang may karelasyon ito sa kanyang asawang si James Yap.
Naglalandian daw sa telepono yung babae at si James, sabi ni Kris.
Alam naman ni Kris, walang pakialam kung anong sabihin ng taumbayan sa kanya.
Sinugod niya ang bahay ng babae at inaway pati ang nanay nung babae.
Bakit inaway ni Kris yung babae at hindi yung kanyang asawa?
Dapat kinailangan pa niyang mag-iskandalo?
Hindi na niya binigyan ng kahihiyan ang kanyang ina na si Cory na gustong gawing santa ng Simbahang Katolika, at ng kanyang ama na si Ninoy na isang martir.
Maraming nanghihinayang kay Kris dahil sinasayang niya ang mabangong pangalan ng kanyang ina at ama.
Sa mata ng madla mali ang ginawang pag-iskandalo ni Kris sa Valle Verde.
Ang kanyang kaibigan lang na si Boy Abunda ang magsasabi na tama si Kris.
* * *
Oo nga’t may karapatang magselos si Kris dahil ang asawa niya ay nakikipaglandian sa ibang babae.
Pero hindi ordinaryong tao si Kris. Siya’y isang well-known actress at anak ng ilustradong pamilya at mga bayaning magulang.
Ang ginawa niya sana ay pumunta sa bahay ng babae at masinsinan na nakipag-usap dito at hindi nag-iskandalo.
Para siyang walang pinag-aralan. Hindi na niya inisip na siya’y graduate ng Ateneo.
Kunsabagay, wala talagang pakialam si Kris kung ano ang sasabihin o iisipin ng taumbayan sa kanya.
Noong nag-away sila ni Joey Marquez matapos ang sekretong relasyon nila, sinabi ni Kris ang lahat-lahat na nangyari sa kanila.
Pati yung nahawa raw siya ni Joey ng sakit sa babae, na ibinulgar ni Kris sa publiko.
Para tuloy nakita ng taumbayan ang ginawa na pagtatalik nilang dalawa ni Joey Marquez.
Wala pa si James Yap noon.
Maraming lalaki ang nagsabi na baka wala nang mahanap na lalaki si Kris dahil sa kanyang pagbubulgar na siya’y nahawa ni Joey ng tulo.
Ang iniisip ngayon ng kalalakihan ay baka nagloloko si James dahil naghahanap siya ng babaeng walang sakit.

* * *

SOBRA ang pagdepensa ni Marlene Aguilar sa kanyang anak na si Jason Ivler na suspect sa pagpatay sa anak ng isang opisyal ng Malakanyang.
Understandable ang ginagawang pagtago ni Marlene sa kanyang anak. Wala kasing ina na nagpapahamak ng kanyang anak.
Pero ang hindi maintindihan ng tao ay yung sabihin niya sa TV at radyo na mahal na mahal niya si Ivler at sinabi pa niya na “Till death do us part.”
Di ba para sa mag-asawa lang yang “Till death do us part” na sumpaan?
Nakakahinala tuloy.
* * *
Kunsabagay, mukhang may tama itong si Marlene.
May pinagmanahan si Ivler.
Dapat na kaawaan silang mag-ina at hindi kinukutya.

BANDERA, 012610

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending