Boracay tini-take over ng China | Bandera

Boracay tini-take over ng China

Leifbilly Begas - April 22, 2019 - 02:36 PM

UNTI-UNTI na umanong tini-take over ng Chinese ang Boracay island, ayon kay Magdalo Rep. Gary Alejano.

Ayon kay Alejano dapat ikabahala ang pagtaas ng 30 porsyento ng mga negosyante sa Boracay na pagmamay-ari ng mga Chinese mula magbukas ang isla noong Oktubre.

“They are everywhere – taking over our seas and lands and robbing Filipinos of work and livelihood,” ani Alejano. “Many Filipino-owned businesses have been displaced with the surge of Chinese businesses creating unfair competition.”

Nagtataka rin si Alejano kung bakit mabilis na naaaprubahan ang mga permit ng mga negosyanteng Chinese kumpara sa mga naga-apply na mga Filipino.

“It seems that the local government is favoring Chinese businesses over Filipino ones.”

Mayroon din umanong mga Filipino na nawawalan ng trabaho dahil pinapalitan sila ng mga Chinese na posibleng wala umanong maayos na working permit.

“Sila na ang nakikinabang sa trabahong dapat sana ay para sa mga Pilipino. This is aside from reports that Chinese workers are being paid ten times more than Filipino workers. Mas malaki na nga ang sahod nila, wala pang kaltas dahil hindi naman rehistradong legal na manggagawa,” dagdag pa nito.

Umapela si Alejano sa Bureau of Immigration, Department of Labor and Employment at mga lokal na pamahalaan na gawin ng mga ito ang kanilang trabaho at proteksyunan ang mga Filipino.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending