Confirmed: Dingdong bibida sa Pinoy version ng 'Descendants of the Sun', pero hindi si Marian ang leading lady | Bandera

Confirmed: Dingdong bibida sa Pinoy version ng ‘Descendants of the Sun’, pero hindi si Marian ang leading lady

Ervin Santiago - April 22, 2019 - 02:16 PM

CONFIRMED! Si Dingdong Dantes na ang bibida sa Filipino adaptation ng hit Korean drama series  na Descendants of the Sun. Ipinalabas sa GMA ang Tagalized version nito na pinagbidahan ng Korean superstar na si Song Joong Ki.

Ito ang in-announce kanina sa presscon ng Kapuso Primetime King matapos siyang mag-renew ng exclusive contract sa Kapuso Network. Si Dingdong ang napili ng management para gumanap na “Big Boss” sa Descendants of the Sun.

“Preperations, wala pa talaga masyado. Binubuo pa talaga yung buong show. But I’m more than very physically prepared, I’m emotionally, spiritually prepared, lalo na napakaespesyal nito,” pahayag ni Dingdong na mas inspired at mas motivated ngayong magtrabaho dahil sa pagsilang ng second baby nila ni Marian Rivera na si Baby Ziggy.

“Iba yung inspirasyon ko ngayon at hugot ngayong chapter nitong buhay ko at masayang-masaya ako na sa akin pinagkatiwala itong project na ‘to,” pahayag pa ng mister ni Marian na talagang pinanood ang kabuuan ng DOTS.

Pero wala pa raw masyadong maibibigay na impormasyon si Dong about his new series dahil binubuo pa ang cast at ang iba pang detalye ng production nito. Pero mukhang imposible raw na si Marian ang makatambal niya sa DOTS dahil baka raw isang taon pang naka-maternity leave ang aktres.

So, ang tanong, sino kaya ang maswerteng mapipili na gumanap sa karakter ni Dr. Kang Mo-yeon na binigyang-buhay ng Korean actress na si Song Hye Kyo? Yan ang ating aabangan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending