Agot pinersonal ni La Oro maipagtanggol lang si Duterte: May nagawa ka ba para sa Pinas?
NO WONDER kung bakit laglag sa Top 12 senatoriables ang reelectionist na si JV Ejercito.
Mantakin n’yo naman kasi, isa si JV sa mga pumabor na maisabatas ang pahirap na TRAIN Law pero hindi raw pala niya nabasa ang mga provisions nito? Isa pa’y ang doble plaka para sa mga motor, hindi rin daw napasadahan ni JV ang nilalaman nito.
Nakakatawa kundi man stupid na ang isang mambabatas supposedly a legislative expert lacks the fundamental criterion na basahin muna kung ano ang isinasaad ng batas bago ito ipatupad.
JV’s failure to read either law, para sa amin at tiyak para sa lahat ng ating mga mamamayan, is a lame excuse. At ang sinabi niyang ‘di niya pagbasa sa nilalaman ng mga ito ay isang maliwanag na paghuhugas-kamay to escape public outrage.
Ito ba ang uri ng senador na gusto nating mailuklok muli sa puwesto? Marami pang susunod na batas na daan sa Senado, kung matatawag na precedent ‘yon, for sure, JV will not dare browse through a single page even if the law is inimical to the interest of the majority.
Result: wala nga sa Top 12 ang reelectionist whose imaginable way out of this mess ay ang ipagmalaki pang hindi niya ‘yon nabasa!
q q q
Over the week, ang isa pang umepal na DDS ay si Elizabeth Oropesa taking a swipe at Agot Isidro.
Sinita ni Oro (tawag sa aktres) ang pagiging kritiko ni Agot sa Duterte administration. Bagama’t noong una’y pinuri ni Oro sa pagiging edukada ni Agot, kinuwestiyon niya kung ano raw ba ang nagawa nito para sa bansa vis a vis the President’s achievements even in his first 100 days in office.
Highly debatable ang argument ni Oro, hindi namin papaksain ang sinasabing achievements kuno ni Oro of Digong.
Pero to begin with, tulad nating lahat ay may saloobin din si Agot who can freely and openly express it.
For all Oro knows ay merong maliliit na bagay na ginagawa si Agot for her country, should the latter take to social media to brag about them?
Kung isang certified DDS si Oro, so be it. Let her be, kung paanong dapat din niyang respetuhin ang mga kapwa niya artista who are on the opposite side of the political fence.
Maliban na lang siguro kung nag-iingay lang si Oro to gain public attention. O baka paraan niya ‘yon para kalampagin ang mga TV network or film producer reminding them about her existence para mabigyan ng trabaho.
Sey nga ng isang mahaderang kabaro sa panulat, “Naku ‘yan namang babaeng ‘yan, wala na yatang kasundo sa showbiz! For the longest time, eh, magkaaway sila ni Tetchie Agbayani. ‘Di ba, ang huli naman niyang nakaaway, eh, si Azenith Briones dahil sa mga nawawalang pabentang alahas?”
We rest our case.
q q q
Personal: Sa pamamagitan ng pitak na ito’y nais naming ulitin ang aming pasasalamat kay Kris Aquino sa ibinigay niyang sacro-lumbar brace.
Dahil nasa Japan pa silang mag-iina noong isang linggo, Kris instructed her assistant Alvin Gagui to get us a brace to address our mobility problem which the latter bought in Bambang. Ang driver niyang si Kuya Jun was the one who personally delivered it sa aming lugar sa Pasay City.
Again, maraming salamat, Kris, for making us “benefit from your existence.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.