Yen Santos natakot nang mag-asawa dahil sa kabitseryeng halik | Bandera

Yen Santos natakot nang mag-asawa dahil sa kabitseryeng halik

Julie Bonifacio |April 22,2019
facebook
share this

Yen Santos natakot nang mag-asawa dahil sa kabitseryeng halik

Julie Bonifacio - April 22, 2019 - 12:20 AM


“SEARCHING” ang sagot sa amin ni Yen Santos when asked tungkol sa lovelife niya. Gusto niya na ang susunod na boyfriend niya will be “the one” na for her.

Pero tila nagbago ang desisyon si Yen sa plano niya na mag-settle down at the age of 30 dahil sa teleseryeng pinagbibidahan niya na Halik sa ABS-CBN. Sobra kasi siyang naapektuhan ng karakter niya na sa programa bilang si Jackie.

“Sabi ko sa past interviews ko, sana ‘yung susunod ko na boyfriend ‘yun na ‘yung ‘the one.’ Pero dahil sa Halik naapektuhan na. Parang nakakatakot nang mag-asawa,” lahad ni Yen nu’ng makausap namin sa presscon para sa finale ng Halik.

Nagdududa na rin daw siya sa kanyang sarili gaya ni Jackie na isang perfect wife, “Mabait, hindi naman siya panget, matalino. Pero bakit nagagawa pa rin siyang ipagpalit? Like kunyari, ‘yung asawa niya si Ace (Sam Milby) mahal naman niya. Pero parang every time na magkasama sila, hindi mo mapapansin na may mali. Pero sa ilalim pala noon may ginagawa na pala siyang mali, ‘di ba? Nakaka-worry,” say niya.

Although, naniniwala naman si Yen na may kanya-kanya namang istorya ng buhay ang bawat tao. At dasal niya, ‘wag mangyari sa kanya ang nangyari kay Jackie sa Halik.

Inamin pa ni Yen na ‘di na raw siya magiging choosy. Kaya okey lang sa kanya kung taga-showbiz man o hindi ‘yung susunod na boyfriend niya. Willing din daw siyang i-give-up ang career if the guy decided to marry her.

“Opo, okey lang po ‘yun sa akin. But, love and career, mas okey po sa akin. Kaya naman ‘yun. Balance lang talaga,” dagdag niya.

After maging leading lady ni Piolo Pascual sa kanyang first movie at makapareha ang A List actor na si Jericho Rosales sa top-rating drama series na Halik, syempre mas inspired si Yen na mag-level-up pa ang kanyang career. And guess who will be the next leading man na pangrap niyang makatrabaho?

“Naku, pangarap ko talaga makatrabaho si John Lloyd Cruz. Parang naririnig ko na magbabalik siya. Sabi ko nga, kahit kapatid lang niya. Sana, sana matuloy na bumalik siya. At kung papalarin, pangarap ko po siya na makatrabaho. Libre naman po ang mangarap ‘di ba?” lahad niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending