James, Nadine may pinatunayan nitong nagdaang Holy Week | Bandera

James, Nadine may pinatunayan nitong nagdaang Holy Week

Cristy Fermin |April 22,2019
facebook
share this

James, Nadine may pinatunayan nitong nagdaang Holy Week

Cristy Fermin - April 22, 2019 - 12:15 AM


BUMAWI kami ng tulog at pahinga sa aming nayon. Nu’ng unang araw ay nagpunta kami sa aming bahay sa bukid kasama ang aming mga anak at apo, mga pinsan at kaibigan, nag-ihaw-ihaw kami du’n.

Masarap ang hangin sa bukid, sariwa na ay malamig pa, hindi katulad dito sa lunsod na humahangin nga pero mainit din ang singaw.

Sumama sa aming pagbabakasyon si Tita Rexy Tiangco, ang tatlong dekada na naming kaibigan at kasangga sa lahat ng laban, ayaw na nitong umuwi sa aming baryo dahil sa sobrang sarap ng hangin sa bukid.

Nu’ng Biyernes Santo ay wala nang masyadong aktibidad, tulog-kain na lang ang aming ginawa, kakambal ang panonood ng mga dati nang pelikula sa ABS-CBN at PBO.

Ilang pelikulang pinagtambalan nina James Reid at Nadine Lustre ang napanood namin, ngayon lang namin napatunayan sa aming sarili ang mga papuring nababasa namin nu’n tungkol sa pagganap ng magka-loveteam sa likod at harap ng mga camera, hindi pala sayang ang panahon mo sa panonood sa kanila.

Magagaling silang umarte, ang akala mong naglalaro lang sa kanyang career na si James Reid ay maaasahan maging sa madadramang eksena, ganu’n din si Nadine na nagsasalita ang mga mata.

Sila ni Bea Alonzo ang napagkumpara namin habang nanonood, malayung-malayo pa ang mararating ni Nadine, hindi lang ganda ng katawan ang pambulag ng magandang dalagang ito.

Sa susunod na pelikula ng tambalang ito ay maglalaan kami ng panahong makapanood. Kundi pa nag-Mahal Na Araw ay hindi namin matututukan ang galing nina James Reid at Nadine Lustre.

Salamat sa mahaba-habang bakasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending