San Miguel Beermen puntirya ang 3-0 semis lead

By Melvin Sarangay April 20,2019
share this

San Miguel Beermen puntirya ang 3-0 semis lead

By Melvin Sarangay April 20,2019
share this

Laro Linggo (Abril 21)
(Araneta Coliseum)
6:30 p.m. San Miguel Beer vs Phoenix Pulse

MAKUHA ang 3-0 bentahe ang habol ng defending champion San Miguel Beermen sa pagsagupa sa Phoenix Pulse Fuelmasters sa Game 3 ng kanilang 2019 PBA Philippine Cup best-of-seven semifinals series Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Maghaharap ang Beermen at Fuelmasters ganap na alas-6:30 ng gabi at hangad ng San Miguel Beer na mahablot ang ikatlong sunod na panalo na maglalapit dito patungo sa isang panalo na lamang para makausad sa Finals.

Magpipilit naman ang Fuelmasters na makaiwas na mabaon sa 0-3 kartada at buhayin ang tsansang makapasok sa pangkampeonatong serye.

Ipinamalas ng Beermen ang kanilang karanasan sa paglalaro sa semifinals matapos bumangon sa 12 puntos na paghahabol para itala ang 92-82 panalo sa Game 2 at kunin ang 2-0 kalamangan sa kanilang serye.

Maliban kay five-time season MVP June Mar Fajardo, sasandalan din ni San Miguel Beer coach Leo Austria sina Arwind Santos, Marcio Lassiter, Alex Cabagnot, Terrence Romeo, Christian Standhardinger at Chris Ross.

Sasandalan naman ni Phoenix coach Louie Alas sina Calvin Abueva, Matthew Wright, Jason Perkins, RJ Jazul, Justin Chua, JC Intal at Alex Mallari para makabangon sa serye.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending