Angelica naaksidente sa Japan: Pinagbayad pa ko ng taxi driver kahit muntik na kami mamatay!

By Ervin Santiago April 18,2019
share this

Angelica naaksidente sa Japan: Pinagbayad pa ko ng taxi driver kahit muntik na kami mamatay!

By Ervin Santiago April 18,2019
share this

NABUKULAN at sumakit ang batok ni Angelica Panganiban matapos maaksidente habang nagbabakasyon sa Japan.

Nag-post ang Kapamilya actress sa kanyang Twitter at ibinahagi nga ang nangyari sa madlang pipol kung paano naganap ang aksidente.

Nakasakay daw siya sa taxi papuntang airport nang biglang mawalan ng kontrol ang driver kaya nagpaikut-ikot sila sa freeway. Okay na naman daw siya ngayon at hindi na kinailangan pang magpadoktor.

Isang netizen ang nagtanong kay Angelica kung nakaabot siya sa kanyang flight pauwi sa Pilipinas tugon ng dalaga, “Umabot! Although umikot sa freeway yung taxi ko sa Japan.

“Masakit lang batok ko at may bukol. Pero ang importante, ligtas kami ni kuya driver. Nagtaka lang ako pinag bayad pa niya ko kahit muntik na kaming mamatay,” nalokang chika pa ng aktres.

Kasamang nagbakasyon ni Angelica sa Japan si Maxene Magalona kasama ang asawa nitong si Rob Mananquil.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending