Cocaine natagpuan sa Batanes | Bandera

Cocaine natagpuan sa Batanes

John Roson - April 17, 2019 - 02:44 PM

NATAGPUAN ang isang kilo ng hinihinalang cocaine sa bahagi ng dagat na sakop ng Basco, Batanes, nitong Martes, ayon sa pulisya.

Nangingisda si Roger Gabotero, residente ng naturang bayan, malapit sa tanyag na Naidi Lighthouse nang matagpuan niya ang kontrabando, sabi ni Col. Merwin Quarteros, direktor ng Batanes provincial police.

Ayon kay Gabotero, natagpuanniya ang mala-pulbos na bagay sa loob ng isang luntiang foil na may markang “Guanyinwang refined Chinese tea.”

Isinuko niya ang pakete sa Basco Police Station. Umabot sa 1 kilo, o halagang P5.7 milyon, ang lamanng pakete, batay sa pagtaya ng Philippine Drug Enforcement Agency.

Dinala na ang hinihinalang cocaine sa PDEA regional office para sa karagdagang pagsusuri, ani Quarteros.

Ito ang unang pakete ng hinihinalang cocaine na narekober sa Batanes, at ikalawa sa Cagayan Valley region kasunod ng natagpuan sa Isabela noong nakaraang taon.

Matatandaan isang container na may 18.84 kilo, o halagang P79 milyon, ng cocaine ang natagpuan sa dalampasigan ng Brgy. Dipudo, Divilacan, Isabela, noong Pebrero 5, 2018.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending