Kris kay Erice: Bakit sa akin magso-sorry, dapat kay Noy

By Ervin Santiago April 16,2019
share this

Kris kay Erice: Bakit sa akin magso-sorry, dapat kay Noy

By Ervin Santiago April 16,2019
share this

KRIS AQUINO

HUMINGI ng paumanhin kay Kris Aquino si Caloocan Second District Rep. Edgar Erice dahil sa mga naging pahayag nito laban kay dating Pangulong Noynoy Aquino.

Tila nilaglag kasi nito ang kuya ni Kris para maiangat sa survey si Mar Roxas na tumatakbo ngayong senador.  Si Erice ang tumatayong campaign manager ni Roxas.

Ani Erice, desisyon ng kampo na palitan ang kanilang campaign color mula sa dilaw na naging asul dahil parang naging “Robin” (partner ni Batman) na lang si Roxas ng dating pangulo.

Inalmahan ito ni Kris at ipinagtanggol ang kapatid. Nabanggit pa niya na may koneksyon din ang kampo grupo nina Erice sa legal battle niya laban sa Falcis brothers.

“Bunso akong nasaktan dahil sa nabasa ko: inapakan ang pagkatao ng kapatid ko, na nanatiling tapat sa taong paniwala syang totoong kaibigan nya. Nung nilaglag sya ng ganun ganun lang- pumalag ako.

“Pero mag react man ako, mabubura ba nun yung sugat sa puso ni Noy na alam kong sa pagkatao nya- never tayong makakabalita ng kahit anong sama ng loob? baka mas lalo pa syang masaktan dahil alam nyang kaming mga kapatid nya nadurog ang puso para sa kanya. umiikot naman ang mundo,” ang post ni Kris sa kanyang Instagram account.

Ito naman ang official statement niya sa paghingi ng sorry ni Erice: “I wish i could say no comment BUT while i acknowledge he apologized, kung sincere diba madali akong i-text ng personal?

“Sen Kiko has my numbers. And several other people na kilala namin COULD easily connect us- again unfortunately na compare, si Bong Go personal, 37 minute phone call para magpaliwanag at mag sorry.

“Eh bakit sa kin mag so-sorry? The apology should be to Noy.

“I’ll quote, ‘the saddest part about betrayal is that it never comes from our enemies’ – hindi kami close, never kaming naging close. Pero kung totoo yung sinabi nya na kaibigan syang matalik ni Noy- you don’t discard a friend because wala ka nang pakinabang sa kanya.

“At mas lalong hindi mo ibabaon ang isang tao para lang iangat ang kandidato mo… sorry pero ang babaw naman ng tingin nya sa mga VOTERS, na dahil lang mag bu-blue iboboto na ang kandidato? Hindi ko sya enemy-  honest naman, sino ba kami sa buhay ng isa’t isa?

“Pero sinimulan nila kaya tinapos ko-nagsalita lang ako dahil hindi ko kayang manahimik at pumayag na may isa pang tao ang umapak sa kapatid ko.

“A good man doesn’t deserve to be punished for staying decent. So kung kailangan ako ang contrabida- KAKAYANIN KO.

“Para lang alam nila na may isang Aquino na papalag at atakihin man ng lahat ng bashers at trolls- hindi aatras. Dahil laban para sa pamilya nya ‘to.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending