Basher kay Gretchen: Kahit puro ginto ang buong bahay mo, hindi mo naman pera ‘yan!

By Bandera April 16,2019
share this

Basher kay Gretchen: Kahit puro ginto ang buong bahay mo, hindi mo naman pera ‘yan!

By Bandera April 16,2019
share this

GRETCHEN BARRETTO

NIRESBAKAN ni Gretchen Barretto ang isang basher na tumawag sa kanya ng kabit at “material girl.”

Ito’y matapos ibandera ng aktres sa social media ang kanyang bonggang walk-in closet sa bahay.

Sa kanyang Instagram Stories, nag-video si Gretchen ng kanyang walk-in closet kung saan makikita ang kanyang bag, shoes at clothes collection. Dito nag-comment ang mga bashers na hindi naman daw niya pera ang ginastos sa mga ito kundi pera ng partner niyang si Tonyboy Cojuangco.

Hirit ng isang netizen, “materialistic talaga si @gretchenbarretto kahit puro ginto ang buong bahay mo di mo pa rin pera ang pinangbili mo kabit. Hay maluho ka talaga.”

Banat naman sa kanya ng aktres, “ONE THING IS FOR CERTAIN, i may be called a Mistress/ kabit etc BUT I WILL NEVER DREAM OF TRADING PLACES WITH ANY BASHER FOR THE SIMPLE REASON THAT YOU ARE ENVIOUS & Bitter.

“The fact that you have time to waste on viewing my posts and bashing only means you are utterly disgusted with how your life id (heart emoji),” aniya pa.

Banat uli sa kanya ng hater, “Tawagan mo na si @mimiyque party party magluto ka na lng ng pancit canton tutal dun ka magaling. Ah, hindi pala, magaling ka pa pa lang mang agaw ng asawa just remember John Estrada, Bong Revilla at Ramon Ang.” Na-link noon si Greta sa mga nabanggit na personalidad.

Ito naman ang bwelta ni Greta, “Eat your nasty heart out (laughing emoji) im living my life to the fullest while you find comfort in bashin those who live happily…love & light.”

Ganting sagot naman ng netizen, hindi naman daw niya pinaghihirapan ang perang ginagastos niya,

“Kailangan pa niyang kumabit sa Sugar Daddy niya para sa mga expensive na damit niya! Hahaha #materialisticGreta.”

Ang very cool lang sa kanya ni Gretchen, “Because nobody is willing to spend for that attitude that you have. Its not the pretty face darling but the character (kiss emoji). Work your ass off (laughing emoji).”

Ipagdarasal na lang daw ni Gretchen ang namba-bash sa kanya, “Love & light to you my dearest one.

You are full of darkness. I will pray for you (praying emoji).”

May mga netizen naman na nagtanggol kay Gretchen at isa na rito ang sinagot niya na huwag nang patulan ang kanyang haters.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending