Kris: Alam na kung sino sino ang nasa likod ng mga Falcis… destroy Kris, kanya 2022!

By Ervin Santiago April 15,2019
share this

Kris: Alam na kung sino sino ang nasa likod ng mga Falcis… destroy Kris, kanya 2022!

By Ervin Santiago April 15,2019
share this

KRIS AQUINO AT NICKO FALCIS

HINDI pinalampas ni Kris Aquino ang balitang nagpahanap umano siya ng “hired killers” mula sa ilang “powerful friends” para “patahimikin” ang magkapatid na Nicko at Jesus Falcis.

May kinalaman pa rin ito sa kasong grave threat na isinampa sa kanya nina Nicko. Naniniwala ang Social Media Queen na may bahid politika ang kaso sa kanya.

Sa kanyang Instagram account, sinabi ni Kris na may koneksyon dito ang kampo ni Mar Roxas, na tumatakbo ngayong senador.

Konektado rin ito sa panayam kay Caloocan Second District Rep. Edgar Erice sa Philippine Daily Inquirer. Si Erice ay campaign manager at spokesperson ni Mar na nagsabing isang malaking pagkakamali raw ni Mar ang pagkakaugnay nito kay dating Pangulong Noynoy Aquino.

Hindi man pinangalanan ni Kris si Erice pero naniniwala ang kanyang followers na ito ang kanyang pinatatamaan sa kanyang IG post. Aniya, may kinalaman din umano si Erice sa pagdedemanda sa kanya ng Falcis brothers.

Narito ang ilang bahagi ng post ni Kris, “Uunahan ko na yung spokesperson, akala ni Rochelle kaibigan nya, mukha siyang goons, lahat ng bodyguard ko dati mukhang hipan lang ng hangin- tutumba.”

“Tumawag si Rochelle asking kung may mare-recommend na mga mukhang basagulero dahil may nagpakita sa akin ng ‘chat group’ na lahat ng galaw namin- pati schedule ni kuya-kumpleto.

“Dinagdagan ang kwento (wag mag deny, nabasa ko sa affidavit ng mga Falcis)-humingi daw ako ng ‘hitman’ sa kanya.”

“Matalino kayo-affidavit ng kalaban ko. Alam na kung sino ang nasa likod ng mga Falcis. Destroy Kris, kanya 2022.”

Samantala, may isang bashers naman ang nagkomento sa muling pagsasalita ni Kris para depensahan ang kapatid.

Sabi ni @shss109, “Rest in Peace [head and gun emojis] mukha ka ng bangkay pagamot mo yan utak mo sa mental hospital ng di kna nag iingay kakasakuka ka lakas ng Tagas ng Utak mo [fist bump and smile with tongue sticking out emojis]@krisaquino.”

Naniniwala si Kris na ang nasabing netizen ay sina Nicko at Atty. Jess Falcis din, “@shss109 hi nicko. hi jess. make up your mind- ARTECARIA ba, LUPUS queen, or mukhang bangkay? Yan ang problema- pag puro pagsisinungaling- SUPER HARD TO STICK TO ONE STORY.”

Bukas ang BANDERA para sa panig nina Nicko at Jesus, pati na rin ng kampo nina Mar Roxas at Edgar Erice.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending