JK Labajo kailangan na raw magpagamot: The truth will prevail, I’ll laugh when that happens

By Ervin Santiago April 15,2019
share this

JK Labajo kailangan na raw magpagamot: The truth will prevail, I’ll laugh when that happens

By Ervin Santiago April 15,2019
share this

JK LABAJO

NIRESBAKAN ng young singer na si JK Labajo ang mga netizens na nagsabing kailangan na niyang magpatingin sa isang psychologist.

Ito’y para raw malaman niya kung may problema na sa kanyang pag-iisip dahil parang hindi na umano normal ang kanyang mga ginagawa.

Kung matatandaan, naging kontrobersyal si JK nang makipag-away kay Darren Espanto na nasundan pa ng pagmumura at pagde-dirty finger nito sa isang music festival. Napikon kasi ang binata nang may sumigaw ng pangalan ni Darren habang nagpe-perform sa stage.
Pagkatapos nito ay ibinandera ni JK na nanganganib daw ang kanyang buhay dahil sa natatanggap niyang death threats.

At dahil sa sunud-sunod na iskandalong kinasangkutan ng binata, maraming netizens ang nagsabi na baka kailangan na niyang humingi ng medical help.

Sa kanyang Instagram Stories, nag-post si JK ng mensahe para sa kanyang mga bashers na ang tingin sa kanya ay may problema na sa utak. Mala-tula ang ginawa niang pagsagot sa mga ito.
“Pretentious act
“Saying I need psychological help
“Yet they’re the
“Ones who got
“Fooled by the
“Angelic mask.
“Master of manipulation.
“The truth will prevail.
“And when that happens, i’ll laugh.”
Aniya pa, wala siyang kailangang patunayan sa kahit sino dahil alam niya kung ano ang totoo at suportado pa rin siya ng kanyang pamilya at mga totoong kaibigan.
“No need to prove my innocence.
“Only the people who know me well know the truth and that is enough.
“I’m waiting.
“Patiently, for the day where they show their true colors.
“That’s going to be a colorful day.
“I’m waiting.”
Sumikat nang husto si JK dahil sa kanta niyang “Buwan.” Mahigit 107 million views na ang nakukha ng kanyang music video sa YouTube.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending