ER Ejercito galit na galit pa rin kay PNoy
HOW dare ER Ejercito brag about his being a kumpare to the President kung kaya’t kumpiyansa siyang he can get away with his case!
Ayon sa aktor-pulitiko, ang ibinabang guilty decision ng Sandiganbayan na may karampatang parusa ng pagkakakulong between six and eight years ay hindi pa final and executory.
Sigurado raw siyang papabor sa kanya ang magiging pinal na hatol sa kanya, citing ‘yung pagiging magkumpare nila ni Digong.
Kami ang nanliliit sa hiya sa pagyayabang na ‘yon ni ER at the expense of the President perceived to be not the type na pinaiiral ang palakasan o padrino system involving any person in public office na kailangan naman talagang papanagutin ayon sa rule of law.
At hindi pa rin pala nakaka-move on si ER mula sa nag-aalimpuyo niyang galit kay dating Pangulong PNoy. Determinado pa rin siyang barilin ito should their paths cross. Wonder kung nasampahan na ng kasong grave threats si ER na ipinagmamayabang pa ang kanyang banta.
Kung kami ang kampo ni Digong, mas lalo naming ididiin si ER sa kasong kinakaharap niya. His namedropping backfires on the President na alam nating parehas (mamatey?) at walang sinisino o sinasanto kapag nagkasala ang isang opisyal.
Ano nga ‘yung pamagat ng two-part daring movie noon ni Ate Vi? Nakakahiya Part 1 at Nakakahiya Part 2.
And the remake stars ER Ejercito!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.