Awra Briguela proud son, nagtapos ang tatay sa college | Bandera

Awra Briguela proud son, nagtapos ang tatay sa college

Ervin Santiago |April 14,2019
facebook
share this

Awra Briguela proud son, nagtapos ang tatay sa college

Ervin Santiago - April 14, 2019 - 02:26 PM

MARAMING parents ang na-inspire sa pagpapaaral sa kolehiyo ng batang Kapamilya comedian na si Awra Briguela sa kanyang ama.

Proud na proud si Awra sa kanyang tatay na si Oneal Brian dahil napagtagumpayan nito ang matagal na niyang pangarap na makakuha ng college diploma.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Awra ng mga graduation photo ng kanyang ama kasabay ng kanyang pagbati. Sinabi ng komedyante na pinatunayan ng tatay niya sa buong universe na hindi talaga balakid ang edad at estado ng isang tao para makapagtapos ng kolehiyo.

“Congrats papa! So proud of you! Sabi nga nila, ‘It’s better than late, than never.’ Kaming lahat nang anak mo sobrang saludo sayo!

“Kase pinakita mo samen kung gaano kahalaga ang pag aaral! I love you papa!! Congrats ulet!” caption ni Awra sa mga litrato nila ni Mang Oneal.

Kung matatandaan, sa isang panayam sa ama ni Awra sinabi nitong napakalaki ng pasasalamat niya sa anak dahil ito na ang nagpapaaral sa kanya.

“Sabi ko nga po, baliktad na. Simula lang po nu’ng nawalan po ako ng trabaho tapos nahiwalay pa ako sa nanay niya, parang yun na lang naisip ko na magandang ipapakita sa mga anak ko,” ani Tatay Oneal.

Marami namang pumuri at humanga kay Awra bilang anak. Ilang netizens nga ang nagsabi na maswerte si Mang Oneal kay Awra dahil sa kabila ng murang edad nito ay natutulungan na niya ang kanyang pamilya at iba pang mga kamag-anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending