Payag ba si Catriona Gray na sumigaw ng 'Darnaaaa!'  | Bandera

Payag ba si Catriona Gray na sumigaw ng ‘Darnaaaa!’ 

Ervin Santiago |April 14,2019
facebook
share this

Payag ba si Catriona Gray na sumigaw ng ‘Darnaaaa!’ 

Ervin Santiago - April 14, 2019 - 11:23 AM

CATRIONA GRAY

PAYAG bang lumipad bilang bagong Darna si 2018 Miss Universe Catriona Gray?

Sa isang event, natanong ang beauty queen kung willing ba siyang mag-audition para bumida sa bagong movie version ng “Darna” matapos ngang mag-resign sa project si Liza Soberano.

Hindi diretsong sinagot ni Catriona kung handa siyang mag-Darna sa pelikula pero aniya willing siyang mag-try sa larangan ng pag-arte.

“Am I open for acting po? Yes, I’m open to every opportunity that may come my way. Acting is a field that I have not yet had any experience in but I’m a very eager learner,” unang sagot ng dalaga.

Dugtong pa niya, “And if the opportunity came to audition for a certain role, I would very much be open to it.”

Nag-iingat lang siguro si Catriona sa pagsagot sa nasabing tanong dahil kung hindi kami nagkakamali kailangang tapusin muna ni Catriona ang kanyang obligasyon bilang reigning Miss Universe bago siya tumanggap ng ibang mga proyekto.

At kung tatanggap man siya ng teleserye o pelikula habang ginagampanan ang kanyang duties and responsibilities bilang Miss U kailangang aprubado ito ng Miss Universe organization.

Isa lang si Catriona sa mga posibleng pumalit kay Liza sa bagong movie adaptation ng iconic Pinay superhero. Umuwi lang ang beauty queen sa bansa para sa ilan niyang commitments at babalik din agad sa Amerika para ipagpatuloy ang mga gawain niya bilang Miss U 2018.

Pero kung paiwas ang sagot ni Catriona, diretso namang sinabi ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na willing siyang mag-audition para sa “Darna”. Handa raw siyang gawin ang lahat para maging karapat-dapat sa nasabing proyekto.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending