Saan dinala ni Mar Roxas bilyon-bilyong pisong pondo ng 'Yolanda'? | Bandera

Saan dinala ni Mar Roxas bilyon-bilyong pisong pondo ng ‘Yolanda’?

Bella Cariaso - April 14, 2019 - 10:59 AM

MAHIGIT anim na taon matapos manalasa ang supertyphoon Yolanda noong 2013, hinahabol pa rin ang dating kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG) na si Mar Roxas ng mga katanungan kung saan na napunta ang bilyon-bilyong pisong pondo na nalikom para sa rehabilitasyon ng mga lugar na nasalanta ng bagyo.

Mismong si Pangulong Duterte ay nagtatanong kay Roxas kung nasaan na ang Yolanda funds.

Hanggang ngayon ay tahimik ang kampo ni Roxas tuwing nauungkat kung paano ginamit ang pondo para sa mga biktima ng supertyphoon Yolanda.

Bilang secretary ng DILG nang manalasa ang supertyphoon Yolanda, si Roxas ang naatasan na siyang manguna sa rehabilitasyon ng mga apektado ng bagyo kung saan mahigit 7,000 katao ang nasawi.

At kahit na ano pang laki ng pondo na inilaan sa rehabilitation program, bigo si Roxas na isalba ang mga apektadong lugar, at hindi rin niya masagot na nasaan nga ba napunta ang pondo para sa Yolanda victims.

Halatang-halata na kapag ang isyu na ng Yolanda ang nauungkat, laging paiwas ang sagot ni Roxas.

Milyon ang nawalan ng bahay at pagkakakitaan sa nangyaring pananalasa ng supertyphoon at hanggang ngayon napakarami pa rin ng apektadong residente ang nagsasabing napako na ang pangako ng nakaraang administrasyon na sila ay tutulungang makabangon muli mula sa bangungot.

Nakakabingi ang katahimikan ni Roxas kapag tinatanong na kaugnay ng umano’y misuse ng Yolanda funds.

Marami pa rin ang walang permanenteng pabahay sa kabila ng ipinangakong bagong pabahay para sa mga nasalanta ng supertyphoon.

Sa ilalim kasi ng Emergency Shelter Assistance (ESA), naglaan ang gobyerno ng tig-P30,000 para sa bawat pamilyang nawalan ng bahay at P10,000 naman para sa mga kailangan ng repair ng kanilang mga tahanan pero hanggang ngayon marami pa rin ang naghihintay ng tulong ng pamahalaan.

Ngayong tumatakbong muli si Roxas, hindi dapat kalimutan ng mga botante ang kabiguan niya noon na epektibong gampanan ang kanyang tungkulin bilang kalihim ng DILG.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dapat ding pakinggan ang boses ng mga residente na biktima ng supertyphoon Yolanda na hanggang ngayon ay naghihintay pa rin ng tulong mula sa gobyerno.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending