PBB Otso housemate sinuwerte pagkalabas ng Bahay ni Kuya | Bandera

PBB Otso housemate sinuwerte pagkalabas ng Bahay ni Kuya

Reggee Bonoan |April 14,2019
facebook
share this

PBB Otso housemate sinuwerte pagkalabas ng Bahay ni Kuya

Reggee Bonoan - April 14, 2019 - 02:17 AM

KASAMA na ang newcomer na si Seth Fedelin sa panghapong seryeng Kadenang Ginto base na rin sa ipinost ng Dreamscape Entertainment business unit head na si Deo Endrinal.

Makakasama na ng baguhang young actor sa serye sina Andrea Brillantes, Kyle Echarri at Francine Diaz.

Makaka-loveteam nga kaya ni Seth si Andrea sa kuwento? ‘Yan ang dapat abangan ng mga manonood.

Isa pang sinusuwerte itong si Seth dahil kahit maaga siyang nawala sa Pinoy Big Brother Otso, heto kaliwa’t kanan na agad ang ginagawa niya sa outside world.

Bukod sa kasama siya sa digital movie nila ni Beauty Gonzales na ididirek ni Kip Oebanda ay heto’t may regular show na siya agad sa ABS-CBN.

Marami ring out of town shows si Seth tulad sa Abril 23 with Jin Macapagal asa Pangasinan, Abril 27 kasama ang ilang PBB Teens sa Zambales at Abril 28 sa Bohol.

Pinagpapala itong si Seth bilang breadwinner sa kanilang pamilya dahil ang tatay niya ay nagkaroon ng sakit pero maski paano ay pinipilit nitong magtrabaho bilang caretaker sa isang swimming pool sa Cavite.

Sabi rin ng taga-production, mabait at marunong makisama si Seth kaya gustung-gusto nila ang bagets.

Sana nga ay matupad ng binata ang lahat ng kanyang pangarap para patuloy niyang matulungan ang pamilya na umaasa sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending